News

2.3K 29 4
                                    

AMBER'S POV

Pagbukas ko pa lang ng pinto, may isang hindi pamilyar na mukha ang sumalubong sakin.

"Ikaw ba si Amber?" 

Inayos ko ang tayo ko at mariing lumunok ng laway.

"Ako nga po ang hinahanap nyo. Bakit?"

Pagkarinig niya sa sagot ko ay bigla niya akong inambahan ng suntok sa mukha.

"Walang hiya ka! Nang dahil sayo namatay ang girlfriend at magiging anak ko! Fuck shit!"

Inawat agad siya ng mga kasama. Napatayo si mama sa kinauupuan niya at agad na lumapit sa kinatatayuan ko.

"Anong karapatan mo para saktan ang anak ko ha?! Hindi mo ba alam ang salitang respeto? Kita mong nasa ospital tayo at hindi maayos ang sitwasyon namin dito tapos bigla bigla kang manghihimasok? Nakakainit ka ng ulo ha! Babae 'tong sinuntok mo! Humanda ka saking lalaki ka. Ipapademanda kita!"

"Ma tama na po"

Inaawat ko na si mama pero para wala siyang naririnig. Panay ang kakasigaw niya sa lalaking nasa labas. Dumadami na ang taong nakikiusyoso at nahihiya na ako. Buti nalang may mga security guards nang dumating.

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" 

"Yang lalaking yan! Bigla bigla nalang kumakatok dito at nanununtok! Tignan niyo oh? Namumula na ang pisngi ng anak ko dahil sa kagagawan ng hayop na yan. Sana naman kasi hinigpitan niyo din ang security niyo ano ho? Nakakaistorbo kasi ang mga taong 'to"

"Hindi ako ang dapat sisihin niyo dito kundi yang babang yan! Siya ang dahilan kung bakit namatay ang girlfriend at anak ko. Mamamatay tao ka"

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ako mamamatay tao" depensa ko.

"Anong hindi? Eh ikaw lang naman ang putanginang dahilan kung bakit napilitan si Carla na gawin ang mga pinapagawa nung nangblackmail sa kaniya. Pati ako na inosente ay kinidnap at tinorture nila. Tapos sasabihin mong hindi ikaw ang may kasalanan? Ha?!"

Don't tell me......

"Patay na si Carla?"

Nagulat ako nang magsisigaw siya bigla. Galit na galit siya at pinaulanan niya ako ng mura. 

"Tangina OO PATAY NA SIYA! PINATAY MO SIYA!"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon