Awkwardness

12K 147 0
                                    

ANDERSON'S POV

Kagabi pa ako di makatulog. Naiisip ko pa rin kasi sya.. yung babaeng niligawan ko pero binasted lang ako. Gusto kong magalit sa kanya kaso di ko naman sya matiis. Mahal ko eh.

Pagulong-gulong lang ako sa kama. Uupo sandali tapos hihiga ulit. Kahit anong gawin ko hindi talaga ako dinadalaw ng antok.

Bigla namang nagpop-out sa isip ko si Amber. Ano na kayang nangyari dun? Kanina tulala sya tapos bigla nalang nagpaalam na matutulog na raw. Akala ko pa naman makakakwentuhan ko sya nang matagal. I've missed her so much. Kung pwede ko lang sanang sabihin yung totoo sa kanya. But this is not the right time.

I checked my phone hoping na baka magtext yung babaeng mahal na mahal ko. No calls. No texts. Galit nga siguro sya sakin.

At dahil wala akong magawa, I tried calling Amber.

Nagriring lang yung phone nya. Gising pa kaya sya?

I waited for few more rings until nag end na yung call. Baka nga tulog na sya. Magsasabi lang sana ako ng goodnight sa kanya eh. Pero di bale, kailangan ko na palang matulog dahil maaga pa kami bukas.

AMBER'S POV

Sunlight. Yan ang gumising sakin. Ughh medyo sumasakit ang ulo ko pero kailangan ko nang bumangon. I checked myself kung namamaga ba ang mga mata ko and fortunately hindi naman.

Naghilamos na ako at nagprepare na para sa almusal.

Lahat ay nasa sala na - except sakin. Napatingin sila sa gawi ko kaya binati ko silang lahat ng "magandang umaga".

Pumunta na ako sa hapagkainan at sa kamalas-malasan, nakatapat ko pa si Tito. Okay medyo awkward for me. Pero di ko pinahalata dahil baka malaman nya na may feelings ako for him. *sigh*

Paminsan-minsan ay nagkakatitigan kami ni Tito na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Bakit ba kasi napaka-cheerful ng mukha nya. Para syang di brokenhearted sa inaasta nya eh. Haaay! But anyway, mabilis ko nalng na tinapos yung almusal ko dahil sabi ni Mama eh mamamasyal daw kami after nito.

Nandito kami ngayon sa malawak na farm nina Lola. Akala ko kung saan na kami mamamasyal yun pala dito lang. Naeexcite ako dahil ngayon lang ako nakapunta sa ganito kalawak na bukirin.

Tinuruan ako ni Lola kung paano magtanim ng palay. At dahil maputik, kinailangan kong hubarin ang tsinelas ko at syempre magsuot ng sumbrero dahil kahit maaga pa eh tirik na tirik na yung araw. Nasa likod ko naman si Tito. Tuturuan nya rin daw akong magtanim eh.

Nung una, medyo nakakaenjoy pala magtanim. Pero nung tumagal, halos makuba na ako. Sobrang sakit pala sa likod yumuko.

"Amber kaya mo pa ba? Hahaha namumula ka na oh. Sige ako nalang magtutuloy nito. Baka umitim ka pa eh"

"No tito kaya ko pa naman. Tsaka wag ka mag-alala kasi sanay ako sa arawan. Talagang namumula yung balat ko eh tsaka okay lang kahit umitim ako. Hindi naman ako maarte"

Biglang nag-smile si tito. I looked away para itago yung kilig ko. Gosh! Napakagwapo nya talaga pag ngumingiti.

Nagtagal pa kami ng ilang minuto at nung nasa last seed na ako, bigla akong naout of balance. Buti at nasalo ako agad ni tito kundi sa puti ako sasalampak.

"Salamat tito.. uhmm.. pwede mo na akong... bitawan.."

Ang sagwa kasi ng position namin eh. Dikit na dikit yung katawan ko sa kanya at konting space lang ang pagitan ng mga labi namin.

"A-ayos ka lang ba Amber? Tulungan na kita"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon