Caught Off-guard

3.1K 56 5
                                        

"Actually yes. Magbabayad na lang din ako para officially enrolled na" umupo siya sa tabi ko tapos pinakita niya sakin yung form niya.

Patay tayo nito. Kaklase ko siya sa tatlong subjects. Phil Lit, Speech Com, at Retorika. Sht na sht talaga. Huminga ako ng malalim para kumalma. Kailangan kong magtigil! May boyfriend na ako at mali 'tong nararamdaman ko.

Ibinalik ko na kay Khen yung form niya at umusog. 10am na pero halos tatlong tao palang ang nababawas sa pila. Meaning matagal ko siyang makakasama.

"How's your vacation? I hoped you had fun" tanong na naman niya. Ayoko na sanang makipag-usap pero bored na bored na rin ako dito kaya pinatulan ko nalang.

"Yeah. Actually kakauwi lang namin kahapon galing Pampanga. Binisita lang namin yung relatives namin don. Ikaw? Anong pinagkaabalahan mo ngayong bakasyon?"

"I see. Hmm, as usual, wala na naman kaming bakasyon. Puro rehearsals eh. Ganito talaga sa theater arts. Walang pahinga"

"Bakit hindi ka nalang magshift ng course? Baka mamaya magkasakit ka lang kakarehearse. Sayang yang kagwapuhan mo. Nako! Shift na! Hahahahahaha"

Tumawa din siya sa suggestion ko. Jusko sana di niya mahalata na ang harot ko sa sinabi kong yun.

"Ah, Amber. May itatanong lang sana ako sayo"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Lord! Hindi ko na po kaya 'tong ganap ngayon!! Sobra sobra na akong natetense. Paano kung mamaya magconfess si Khen sakin? Jusko may boyfriend na po ako. Ilayo nyo po ako sa tukso! Huhuhuhuhu.

"Go ahead Khen. Ano yon?"

"May nakapagsabi kasi sakin na may gusto ka daw sakin. Is that true?"

Pusanggala! Anong isasagot ko? a) Oo, kasi crush ko talaga siya at sobrang gwapo niya, b) Hindi ako aaminin dahil may boyfriend na ako at mali 'to.

Dahil mabait akong tao at loyal ako kay Anderson, sinabi ko ang totoo.

"Ah, yeah. Pero wala lang yun. Simpleng admiration lang. Ang galing mo kasing magdirect sa mga plays niyo. Tsaka ano, may boyfriend na ako. Don't worry hahahaha"

Phew. Muntikan na talaga yun.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon