"Tito naman kasi seryosong sagot! Paano kung sabihin kong mahal na yata kita. Hmm anong gagawin mo?"
Kahit alam ko na ang sagot, kinakabahan pa rin talaga ako sa mga salitang lalabas sa bibig nya. Dahil ba sa umaasa ako na mahal nya rin ako? Ugh napaka assuming ko talaga. Malamang hindi.
"Amber, gaya nga ng sabi ko bawal sa angkan natin ang incest. Oo siguro sa iba nalulusutan nila yung ganun pero sa angkan natin mahigpit na ipinagbabawal 'yun"
Kanina pa ako naccurious kung bakit bawal eh.
"Bakit nga ba bawal? anong rason?"
"Ganito kasi yan. Nagsimula 'yun nang magkagusto ang mga ninuno natin na sina lola Marta at lolo Pedring sa isa't-isa. Magtyuhin din sila gaya ng sitwasyon natin. Nung una akala nila papayag ang buong angkan natin sa plano nilang magpakasal. Pero yun ang akala nila. Yung Nanay ni Lola Marta at Kapatid ni Lolo Pedring ay naghanda ng mga itak para patayin silang dalawa. Pero nakatakas na sila bago pa mangyari ang pagpatay. Nakasal sila at nagkaroon ng tatlong anak. Yung tatlong anak nila ay maituturing na halimaw sa probinsya. Kung ihahambing mo sa mga normal na bata, di hamak na mas pangit sila (sorry sa term) dahil sa itsura nilang isinumpa. Natakot lahat ng tao sa pamilya nila kaya sinunog sila nang buhay. Kaya simula noon, mahigpit nang ipinagbawal ang incest sa angkan natin. Baka daw kasi maulit 'yung nangyari noon"
Kinilabutan ako sa kwinento ni Tito. Dapat ko na nga sigurong kalimutan 'tong feelings ko. Jusko ayoko namang mamatay nang buhay!
"Grabe naman pala yung nangyari noon. Ha-ha-ha kalimutan na nga natin yun tito. Iba nalang pag-usapan natin"
He looked confused. Eh sa natatakot na talaga ako. Might as well iba nalang ang pag-usapan namin diba. Tsaka wala namang patutunguhan pa kung ipipilit ko yung gusto ko.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
Lãng mạnThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...
