Answer

2.9K 51 0
                                    

Nag-uumapaw ang puso ko sa tuwa! Is this real? Waaah. Nag-uunahan na naman ang mga luha ko sa pagtulo. Tears of joy!

I motioned him to stand. Pinunasan ko muna ang pisngi ko (for the nth time) at tsaka masayang isinigaw ang sagot ko.

"YES!"

Napuno ng "Awww" "Ooh" at "Aahs" ang paligid namin na sinundan naman ng masigabong palakpakan.

"T-teka nasaan yung ring?" Basag moment naman. Natapos na ang palakpakan ng mga tao pero hindi ko pa din nakikita yung ring.

"Here it goes..."

Lumingon ako sa direksyon na itinuro ni Anderson. There he is! Isang cute at malusog na biik - na may dalang ring. Nakasukbit iyon sa likod niya. I giggled.

Lumuhod si Anderson para kunin yung singsing at marahan niya itong sinuot sa daliri ko.

"This ring symbolizes my eternal love for you Amber. Sa wakas, engaged na tayo!" Tumayo siya at niyakap ako ng sobrang higpit. Nagpalakpakan ulit ang mga tao. I gazed at my ring, a diamond ring! Sobrang ganda at fit na fit sa daliri ko.

Sobrang dami mang nangyari ngayong araw, one thing's for sure: It ended so well. From being bullied to being bewildered, to feeling scared, natapos ang birthday ko nang may ngiti ako sa aking labi.

"So paano ba yan B, dito ka na ba magsstay? Please?" Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan niya iyon. Syempre heto na naman ang lola niyo, kilig na kilig!

"Actually, bago ko pa maisipan na magpropose sayo B, napagplanuhan ko na talagang lumipat na dito. Kasama sina Mama at Papa. In fact, nakahanap na ako ng bahay at lupa na titirhan namin"

"Really? Aba ang yaman!" tukso ko. Kiniliti niya naman ako sa leeg. Jusko beh wag dyan! Huhuhu

"No. Hulugan naman yon eh. Besides, may trabaho ako kaya hindi malaking problema ang pagbayad. Tsaka syempre naghahanda na rin ako sa kasal natin. Grabe B, kailan mo ba gustong magpakasal. Sabik na akong matikman-"

Binatukan ko agad siya. He grinned.

"Matikman ang luto mo. Greenminded B, ha. Napaghahalataan hahahaha"

Ako pa ngayon? Hahaha.

Natapos ang celebration bandang 11pm. Good thing at may kotse ang mga tito at tita ko kaya naman hindi sila nahirapang umuwi. Ayaw ko mang magkahiwalay kami ni Anderson, we have no choice.

"Tawagan mo ako agad pag-uwi niyo ha? I love you and I'll miss you B" I planted a kiss on his soft lips. Pagbigyan niyo na ang kalandian ko, mwehehe.

"Sure sure. Mag-iingat ka palagi B ha? Alam mo namang may trabaho ako so baka matagalan bago tayo ulit magkita. At isa pa, matulog ka agad mamaya okay? May pasok ka pa bukas. Goodnight B! I love you and I'll miss you too" He kissed me on my forehead, both cheeks at sa lips. Haaay. Back to normal na naman bukas.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon