Tuluyan na akong naparalisa sa yakap ni Tito. Amoy na amoy ko yung pabango nyang nakakaakit sa aking pang-amoy. Masculine type pero hindi sobrang tapang.
"Amber? Hey? Sabi ko sa wakas nagkita na rin tayo. Hindi ka ba masaya? Nakakatampo ka naman. Gumising pa ako ng maaga para makita ka oh"
Pailing-iling pa si Tito nun habang tumatawa.
"Masayang-masaya kaya ako Tito. Ang tagal na kaya nating di nagkikita. Ha ha ha ha" pinilit ko na ring tumawa kahit medyo awkward.
Sumakay na kami sa loob ng van. Katabi ko si Tito na panay ang kwento tungkol sakin. Kesyo sya raw ang nag-alaga sakin mula bata hanggang tumuntong ako ng 5 years old. Oo nalang ako ng oo sa mga sinasabi niya. Wala kasi talaga akong matandaan masyado eh. Kidding! Syempre meron naman kahit papaano. Pahapyaw lang, ganon.
"Uy Amber tanda mo pa ba dati nung nag-swimming tayo sa ilog? 4 years old ka pa lang yata nun eh. Lagi mo akong kinukurot sa pisngi tuwing tinuturuan kita lumangoy. Gigil na gigil ka pa nga sakin. Ang cute ko kasi masyado hahahahahaha"
Bigla akong namula nang maalala yun. Ughh bata pa lang ako ang harot ko na pala! Pero kasi normal lang yun sa bata diba, so walang malisya. At hindi ko rin makakalimutan ang mukha nya nun, sobrang cute nya nga talaga.
Nakalimutan ko pala syang ipakilala. Luis Anderson Jimenez ang pangalan niya. Mas matanda sya ng 8 years sakin. Bale 27 na sya ngayon. Pero hindi halata sa facial feautures nya. Mestiso kasi at baby face.
"Hindi ko na maaalala tito eh. Ang tagal na kaya nun. Tsaka nagjojoke ka po ba? Ikaw cute? Mas cute kaya ako. Hehehe"
Nagsmile lang siya sa sinabi ko."Oo na mas cute ka naman talaga. Joke lang yun no haha kasi gwapo ako"
WHAT? Cute daw ako? Shit na bibig yan tito. Baka mahalikan kita sa sobrang kilig. Erase that again! Ano ba namang naiisip ko. Bawal 'yun! Kaloka ka Amber sarap mong sampalin.
Sa haba ng kwentuhan namin, hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay nina lola. Pagbaba ko, sinalubong na agad ako ng malamig at preskong simoy ng hangin. Napangiti ako sa kakaibang feeling na naramdaman ko. "Ang sarap talaga dito sa probinsya" sabi ko sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/32247848-288-k544795.jpg)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
Roman d'amourThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...