Bang

2.3K 26 1
                                        

ANDERSON'S POV


Halos mabingi ako sa lakas ng putok na iyon. Hindi iyon bomba kundi baril.

"Anderson ayos ka lang ba?"

Kumurap-kurap ako dahil hindi ako makapaniwala sa taong namaril kani-kanina lang.

"JARED?"

Nasundan iyon ng nakabibinging katahimikan. Ni sa hinagap ko hindi ko naimagine na ang kapatid ko, ang mabait, tahimik, at inosente kong kapatid ang gagawa ng ganito kalalang krimen sa harap ko pa mismo. Sabihin niyong hindi ito totoo. Tangina. Hindi 'to totoo.

"Buti nalang dumating agad ako kundi-"

Inambahan ko na agad siya ng suntok. Nabitawan niya ang hawak niyang baril at napahiga siya sa semento. Nanginginig ang katawan ko sa galit. Lumalabas na ang mga ugat ko sa kamao at kapag hinayaan ko pa ito ay baka magdugo na ang mga knuckles ko.

"Pre ano bang problema mo? Pasalamat ka nga niligtas kita kundi kanina pa lapnos yang mukha mo! Gago!"

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kwelyo ng damit niya.

"Magpasalamat? Tangina nakapatay ka ng tao! Kailan pa naging tama ang pagpatay ha?!"

Pansin kong nag-iba ang ekspresyon sa mata ni Jared at nababakas ko na ngayon ang galit sa mga ito. Mariin niyang hinawakan ang mga kamay ko at inalis niya ito sa kwelyo niya. Siya naman ngayon ang sumuntok sakin.

"Kahit kalian talaga hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob! Tangina mo talaga. Alam mo bang matagal na akong galit sayo ha? Matagal na matagal na. Sa dami ba naman kasi ng magiging kapatid ko, dun pa ako napunta sa taong ubod ng pagiging makasarili at hambog pa. Nakakatawa nga eh. Kasi halos lahat ng taong nasa paligid natin, ikaw lagi ang gusto. Ikaw ang perfect. Samantalang ako? Heto. Laging napag-iiwanan. Laging naaagawan. Tanginang buhay to"

Umayos siya ng upo at tinitigan niya ako ng masama.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon