"Amber, tumawag sakin si Anderson kanina. Wag mo raw muna siya tawagan sa number niya kasi nawala daw phone niya eh. Sayang naman dahil iphone yun"
"WAIT. Nawawala phone niya? Pero kanina po kasi may tumawag gamit yung number niya eh" Gulat na gulat kong sabi. Kung nawawala pala ang phone niya, it means ninakaw ni Carla yon para lang manggulo! Tama! Yung bruhang yon jusko sarap sabunutan at pakuluan ng buhay!
"Baka yung nagnakaw ang tumawag sayo. Naku hindi na nahiya ha"
Ano kayang problema sa buhay ni Carla at bumalik pa siya sa buhay ni Anderson para sirain kaming dalawa. Nakakagigil siya ha. Never pa akong nang-away sa tanang buhay ko pero pinoprovoke niya ako eh!!!!!
"Ma pwede ko po bang hingiin yung number na ginamit niya? Gusto ko po siyang makausap"
Binigay niya ang phone niya sakin at agad kong pinindot ang recent calls. Dinial ko ang number and....
"Hi B, siAmber 'to. Thank God! Akala ko talaga may ginagawa ka nang milagro diyan eh"
Tumawa siya. Haaaay. Naiimagine ko na ng itsura niya nang nakingiti. Nakakabasag obaryo beh!
"Paano mo naman nasabi yan B? Hahahahahahaha ikaw ha. Napaghahalataang interested ka sa katawan ko"
Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Hala ang greenminded naman ni Anderson huhuhu nakakahiya.
"H-hindi no. Asa ka naman B. A-ano k-kasi, a-ano, ang yummy, este may tumawag gamit ang number mo kanina"
"Hahahahaha huli ka! Bakit ka naman nauutal B? Okay lang 'yan. Sayong-sayo naman ang katawan ko. Anyway, sino? Sht. Nabosesan mo ba?"
Gusto kong isigaw na "Oo". Gusto kong magalit ulit dahil napaniwala ako sa ginawa ni Carla. Instead, nagsinungaling ako.
"H-hindi B eh. Basta manly yung voice. Akala ko nga ikaw pero minura lang ako"
Napakagat ako sa labi. Alam kong 'pag sinabi ko sa kanya ang totoo eh mag-aaway lang kami. Knowing na may feelings pa rin siya dun edi malamang kakampihan niya yung babaeng yon! Ako pa lalabas na masama.
"Sorry B ha. Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi ko lang sana nawala yung phone edi wala sanang magmumura sayo. Sorry talaga B"
"No no no. Okay lang ako B. Hindi mo naman sinasadyang mawala yung phone mo eh. Dapat nga ako pa ang magsorry kasi-"
Leche 'tong bibig ko. Muntik na akong madulas. Anak ng kambing.
"Sorry? Bakit naman?"
"He he. Wala B, nevermind. Sobrang miss lang talaga kita eh. Sana pala pumayag nalang ako na sumama ka dito. Kaya langang selfish ko naman kung ipipilit ko yon. Haaay. I love you!"
"........................"
CALL ENDED.

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomantizmThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...