"Anderson, nak, gumising ka na. Kumain ka muna. Binilhan ka namin ng pagkain. Kanina ka pa nagbabantay dyan. 'Wag kang magpalipas ng gutom"
Tinatapik na pala ako ni mama. Hindi ko masyadong namalayan na nakatulog ako. Nakakapagod naman kasi 'tong araw na 'to. Puro problema ang dumating.
"Sige Ma, busog pa po ako. At tsaka di pa naman po ako gutom" pagsisinungaling ko. Ang totoo wala talaga akong ganang kumain. Pakiramdam ko dapat pati ako nagdudusa eh. Mas naawa ako kay Amber dahil sa lagay nya ngayon.
"Anak, kanina ka pa walang kain. Gugutumin mo ba sarili mo? Magagalit si Amber pag nakita ka nyang nagkakaganyan. Alam kong alam nya na aksidente lang ang nangyari. Wag kang masyadog mag-alala. Sabi naman ng doktor maayos na ang kondisyon nya diba"
May point nga si mama. Baka makadagdag pa ako sa problema kapag ako naman ang nagkasakit.
Kinuha ko na ang dala niyang pagkain at naupo sa sofa na nasa tabi ng pinto. Pansin kong wala pa sina ate rito. Siguro nasa counter at binabayaran na yung bill. Si mama naman nakaupo sa tabi ni Amber. Kinakausap nya ito. Ang ate ni Amber ay bumalik na raw sa Manila dahil may importante syang inaasikaso kaya di sya makakapunta dito.
Haaaay. Sinira ko na ang bakasyon ni Amber. Nakakainis! Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto.
"Pasok" sabi ko.
Nakita kong si Jared lang pala. Bumalik pala sya rito. Tahimik lang syang naupo sa tabi ko. Wala ako sa mood na kausapin sya. Nahihiya rin ako kasi medyo napasobra ako ng bugbog sa kanya. Pero naiinis pa rin ako.
"Kamusta na po ang lagay ni Amber?" tanong nya kay Mama. Pero ako na ang sumagot sa tanong nya.
"Okay na sya. Yun nga lang may temporary amnesia sya kaya kapag gising sya medyo tulala"
"Ganun ba?"
"Oo. Pasensya na pala kanina. Medyo uminit lang ang ulo ko" depensa ko.
"Ayos lang pre. Mukhang mainit nga ulo mo kanina. Ang mahalaga okay na si Amber. Sige uwi na ako. Gusto ko lang na masigurong okay na ang kaibigan ko"
Tumango ako bilang sagot.
"Teka sandali. Nanliligaw ka ba kay Amber ha? Nakita ko kanina na sobrang sweet nyo"
"H-ha? Friends lang kami. Nagkakatuwaan lang kami kanina kaya ganun. Sige ha balitaan mo nalang ako pre"
Tuluyan na syang umalis. Hindi ako kumbinsido sa sagot nya. Feeling ko may something sila ni Amber at yun ang aalamin ko. Hindi pa siya nakuntento sa pang-aagaw kay Carla. Ngayon naman si Amber?!

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomansaThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...