New Character

3.3K 46 5
                                        

CARLA'S POV

"Are you free today? As in now na? Asap?"

Tanong ko sa kabilang linya. Nandito ako ngayon sa starbucks at nagpapalamig. Duh. Syempre magbbrainstorming kami ngayon ni Jared ng next step.

"Sure 'yan ha? See ya buddy!" I ended the call.

Kinakain na ako ng konsensya ko pero wala na akong choice kundi sumunod sa hayop na kasama ko. Prenteng-prente lang siya sa pagkakaupo habang sinisipsip ang frappe niya. Nakatingin siya sa malayo. Spaced out.

I snapped at him.

"Ano na bang plano mo? Nabuburyo na ako dito. Hello?!"

"Manahimik ka nga diyan. Ikaw kaya ang mag-isip! Tutal ikaw naman ang gagawa diba? Gagong 'to. Kung hindi ka lang talaga magaling umarte baka binigwasan na kita"

I was taken aback. Nakita ko na siyang magalit noon. Sobrang creepy. Sabagay may multipke personality disorder kasi siya kaya hindi mo matansya kung ano ang mga kaya niyang gawin.

Yung sakit niya, lately ko lang nalaman. Nasa bahay kasi nila ako nung mga oras na yon para magmakaawa sa kanya na itigil na ang palabas na 'to but it happened na wala siya. May pile ng medical papers sa sala nila ang aksidente kong nabasa ang kondisyon niya. I shut my mouth after knowing it.

"Hi devil Carla!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko na nga ang taong kanina ko pa hinihintay!

"Here, Deceiver!" I waved at him, or rather her, to come to our table.

Tangina lahat ng tao napatingin sa kanya. Masyado kasing matinis ang boses niya to the point na mapapangiwi ka nalang.

Agaw atensyon din siya dahil ang gaga pang-holloween ang suot. Okay, dark lipstick, dark dress, dark heels at dark face. Ay sorry pimple marks pala yon huhuhu. Napapaisip din ako minsan kung paano ko natatagalan si Deceiver eh saksakan naman siya ng panget at saksakan din ng sama ang ugali.

"Hindi mo naman ako ininform na may kasama kang fafa" Nandiri ako sa pagkakasabi niya ng "fafa". Tangina nagkagat-labi pa ang bruha sabay lick ng lips, maniacally.

Tinapunan siya ni Jared ng masamang tingin. Hindi natinag si Deceiver at umupo pa siya sa lap nito habang umuungol ungol.

Shit. Tama bang kay Deceiver ako humingi ng tulong? Fuck.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon