Kauuwi ko lang ngayon sa bahay. Kailangan ko munang maglinis kasi iuuwi na namin si Amber. Nagising na ulit sya kanina. Nakakapagsalita na sya ng maayos. Sa awa ng Diyos wala syang amnesia at buti nalang talaga wala.
Sinimulan ko ang paglilinis sa sala. Lahat ng figurines kinuskusan ko. Maalikabok na kasi. Yung sahig naman nilagyan ko ng floorwax para medyo kuminis. Sunod naman sa kusina. Inayos ko lahat ng utensils at hinugasan ko na rin ang mga nakatambak na plato.
Isa-isa ko ring nilinis ang mga kwarto namin. Marami na palang labahin kaya hinakot ko lahat ng 'yon at maglalaba ako. Huli kong nilinis ang kwarto ni Amber. Hindi ko na pinakialaman ang mga damit nya. Yung mismong kama lang tsaka yung mga gamit sa loob.
May naapakan akong matigas na bagay.
"Notebook? T-eka.. kanino naman 'to?"
Binuklat ko ang maliit na notebook at nalaman kong pagmamay-ari iyon ni Amber.
Binasa ko yung mga nakasulat mula first page hanggang last.
"Dear diary,
Alam mo ba ang saya ko ngayon! Hihihi malapit ko na kasing makita ang long time crush ko sa probinsya. Bata pa lang kasi ako nung last ko syang na-meet eh. Ang gwapo na siguro nun.. haaay! Iniisip ko pa lang sya kinikilig na ako. Sya kaya, kikiligin din? Ughh hindi siguro. Baka kasi may iba na syang mahal. Ayoko nang isipin. Masasaktan lang ako. Kaya lang ang lakas ng feeling ko na baka magkagusto din sya sakin! Kidding lang. Basta.. kung di man kami ang itinadhana, aish! Gusto ko kami ang magkatuluyan. Gagawa ako ng way para mahalin nya rin ako. Hmm. 12am na pala. Kailangan ko nang matulog. Bye diary :))
Amber""Inlove pala si Amber... ah"
Halata naman. Writer ba sya? Ang galing kasi ng pagkakasulat nya.. may boses. Kahit lalaki ako feeling ko naging emosyonal ako pagkatapos ko 'tong basahin. Somehow, pareho pala kami ng nararamdaman...Isasarado ko na sana ang diary nya nang may malaglag na picture...
Bakit sya may picture ko?
At bakit tadtad to ng butas? Galit kaya sakin si Amber? Ah. Na-gets ko na! Kaya pala medyo naiilang sya makipag-usap sakin. Siguro dahil kay Jared.
Kakausapin ko nga mamaya 'yung kumag na 'yon. Alam kong may tinatago silang dalawa.
Mamaya ko na nga iintindihin 'yun. Kailangan ko na palang maglaba.

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
عاطفيةThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...