Kinabukasan, maaga akong nagising. Tumungo ako sa CR para gawin ang morning rituals ko pagkatapos ay bumalik na sa kwarto para mag-ayos ng gamit. Bukas na kami uuwi ng Manila. Kailangan na kasing bumalik nina mama at papa sa kaniya-kaniya nilang trabaho. Kagabi ko lang din nalaman na start na ng enrollment namin nung isang linggo pa. Shoot! Ayokong maubusan ng slots. Gustuhin ko mang mag-extend ng bakasyon eh hindi pwede.
"Amber, anak, gising ka na ba? May naghahanap sayo sa labas" itinabi ko muna yung mga gamit ko at nag-ayos ng sarili. Sino naman ang bibisita sakin ng ganito kaaga?
Paglabas ko ng pinto, nagulat ako nang makakita ng isang maliit na box. "Pa! Wala naman pong tao dito sa labas. Pero may box po oh" tumayo si papa at lumapit sa kinatatayuan ko.
"Box? Baka delivery boy yon. Oo tama. Pero bakit umalis siya? Diba dapat papirmahin ka muna niya bago siya umalis? Hay nako"
Kinuha ko ang box at tinignan kung may nakasulat na pangalan. At may pangalan ko nga sa ibabaw. Ang weird lang dahil wala akong kakilala dito sa Pampanga maliban sa mga kamag-anak ko at si Jared. Oo tama si Jared! Baka si Jared ang nagpapabigay.
Kinuha ni papa yung box at sinenyasan ako na sundan siya sa loob. Nilapag niya iyon sa table tapos inilapit sa akin. Niyugyog ko muna yung box. Medyo mabigat. Ramdam ko ang pagkalog ng nasa loob kaya alam kong may laman nga talaga yung kahon.
"Buksan mo na"
Kumuha ako ng cutter at marahang binuksan ang box. Nang tuluyan ko nang mabuksan, napabitaw ako sa laman nito.
"Putangina! Sinong siraulo ang magbibigay ng ganyan?!" sigaw ni papa na napatayo din sa gulat.
Napaiyak ako sa takot. Alam ko kung anong meaning ng ganito.
Isang malaki at patay na daga ang laman ng box. Pugot ang ulo nito na kasama din sa loob. Nasa tiyan pa nakabaon ang ginamit na kutsilyo kaya talagang nakakapanghina tignan. Tumakbo ako sa CR at doon nagsusuka.
Hindi ako usually takot sa daga unless tumatakbo iyon or patay. Halos maubos ko na lahat ng likido sa katawan ko kakasuka. Good thing at hindi pa ako nag-aalmusal. Nang mahimasmasan na ako ay bumalik ako sa sala. Wala na yung box. Nakahinga ako ng maluwag.
"Okay ka na ba Amber? Sinabi sakin ng papa mo na may nagbigay daw sayo non? Susmaryosep anak. Kilala mo ba kung sino ang may gawa non?"
"H-hindi po ma. Pero d-diba may masamang kahulugan po yun? Ma, natatakot ako. Baka saktan niya ako or worst baka po pati kayo" napayakap ako kay mama. Hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang may gawa nun, hindi ako mapapanatag.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...