Emergency

3K 46 4
                                    

Humanap na ako ng pwesto sa oval. Magandang tumambay dito kasi tahimik ang ambiance ng paligid. Naglabas ako ng earphone at naghanap ng masasayang kanta sa phone ko nang biglang...

Mama calling...

"Hello Ma bakit-"

"Umuwi ka na agad sa bahay. Si Anderson nasa ospital. Emergency 'to kaya kung pwede umabsent ka na muna sa klase mo"

I ended the call at mabilis na tumayo. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Kailangan ko nang makauwi.

Dumaan ako sa back gate. Mas mabilis ang daan dito palabas ng campus. Tinakbo ko lang yun tapos nang may nakita na akong jeep papunta sa amin eh sumakay na ako.

Malas nga talaga dahil traffic! Konting-konti nalang mabebeastmode na ako. Hindi ko kakayaning takbuhin pauwi. Instead, pinakalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Walang mangyayari kung paiiralin ko ang init ng ulo ko.

Sinalpak ko nalang ulit yung earphones sa tenga ko at taimtim na nakinig sa mga kanta.

Nakadungaw ako sa labas ng bintana nun. Maluwag pa kasi ang jeep. Nang parang may naaninagan ako sa di kalayuan.

Kinusot ko pa ang mata ko nun to make sure na totoo nga ang nakikita ko pero bigla siyang nawala.

"Anong ginagawa niya dito?!"

Sure akong si Carla ang nakita ko. Siya talaga yun! Pucha anong ginagawa niya dito? Bakit feeling ko may binabalak siyang masama? Nakita niya kaya ako?

"Manong bayad ho" inabot ko na ang bayad ko bago ko pa makalimutan. Umandar na rin ang jeep.

Halo-halo na ang mga problema sa utak ko. Masyado na akong stressed sa buhay! Summer pa rin naman ngayon kaso imbes na makapagrelax eh puro kamalasan ang dumadapo sakin.

"Manong para ho" bumaba na ako ng jeep. Pagdating ko sa tapat ng bahay, parang walang tao.

Bukas naman ang gate kaya dumiretso ako sa loob.

"Ma? Ate? Buksan niyo po yung pinto. Si Amber po 'to" sigaw ko sa labas. Nakalock kasi sa loob yung pinto so I assumed may tao nga.

Dalawang minuto na ang nakakalipas pero walang sumasagot. Kinalampag ko na ang pinto at laking gulat ko nang may sumabog sa harap ko.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon