Report

3.4K 70 0
                                    

ANDERSON'S POV

Sobra akong nag-aalala dahil sa box na ipinadala daw kay Amber ng isang di kilalang lalaki. Duda ako na si Carla ang may gawa non. Kilala ko siya at malaki ang takot niya sa mga patay na hayop.

"Alam mo, malakas talaga ang kutob ko na yang Carla na yan ang may pakana nun. Kapal naman ng mukha niya!" inis na inis na sabi ni Alaica. Nandito pa rin kaming lahat sa sala. Nakakunot ang noo nilang lahat at problemado. Maski ako din pero i am trying my best to stay as calm as possible.

"Sino ba yang babaeng yan Anderson? Pagsabihan mo naman siya na tumigil na sa kalokohan niya ha. Hindi nakakatuwang biro yung magpadala ka ng patay na hayop sa bahay pa mismo" sabi ni ate.

"Sure naman akong hindi magagawa ni Carla yun ate. Kilalang kilala ko po siya. Mabait na tao si Carla at hindi rin niya alam 'tong bahay. So paanong siya ang magpapadala?" depensa ko. Hindi sa pinagtatanggol ko siya okay? Ayoko muna magbintang hangga't wala pang ebidensya.

"Pero Anderson! Nagawa niya ngang magpanggap kahapon na nahimatay siya eh! Imposibleng hindi niya magagawa 'to. Please naman oh. Tigilan mo na ang pagkampi sa kanya. Akala ko ba okay na tayo?!" sabat ni Amber. Sht talaga. Ang hirap magexplain lalo na kapag sila ang kausap.

"HINDI KO SIYA KINAKAMPIHAN OKAY? ANG AKIN LANG AY WAG MUNA TAYONG MAGCONCLUDE SA MGA BAGAY NA WALA PANG PATUNAY. WHAT IF IBANG TAO PALA TALAGA ANG MAY GAWA? HINDI TAMA NA MANISI AGAD TAYO SA ISANG TAO" Mariin kong sagot. Napakuyom nalang ako ng kamao sa inis.

"Tumigil na nga kayo. Patay na daga lang naman 'yun. Huwag kayong matakot. Ireport nalang natin 'to sa kinauukulan para naman maaksyunan agad. Kayo naman nagpapadala agad sa init ng ulo. Huminahon kayo" pag-aawat sa amin ni Mama.

Nang hapon ding iyon, pumunta kami sa barangay hall para doon magreklamo. Kasama ko si Amber at si Kuya.

"Sige kami nang bahala para hanapin kung sino ang nagpadala sa inyo nito. Pakipirmahan nalang po yung log book para mainform po agad namin kayo pag may progress na sa investigation"

Pumirma na kami at umuwi na rin agad sa bahay.

"Amber, gusto mo bang mag-ikot muna tayo sa SM para naman mabawasan 'yang pag-aalala mo? Naisip ko rin kasi na bukas uuwi na kayo sa Manila. Sobrang bilis. Ni wala pa tayo masyadong bonding sa isa't-isa"

Ngumiti naman siya sa sinabi ko.

"Oo na. I guess baka sa pamamagitan ng pamamasyal eh makalimutan ko yung mga nangyari mula pa kahapon. Miss ko na rin ang kakulitan mo. Naku ikaw talaga B. Payakap nga!"

------------------------------
AUTHOR'S NOTE!

Hello ulit sa inyo beshies! Thank you ng severe kasi kahit hindi naman maganda ang updates eh nagtyatyaga pa rin kayong magbasa, magvote at magcomment! Sa lahat din po ng nagadd ng story na 'to sa kanilang reading lists, sobrang thank you din!! Nakakatuwa lang kasi may nakakaappreciate ng gawa ko. Kulang ang salitang "Thank you" para maparamdam ko ang gratitude ko sa inyong lahat. Enjoy reading! I hope magustuhan niyo ang upcoming chapters. Lovelots! :--)

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon