AMBER'S POV
"Amber kumain ka na muna. Ako na bahalang magbantay kay Anderson"
Umiling ako at taimtim na tumitig sa maamong mukha ni B. Isang oras na ang nakalipas mula nang turukan siya ng injection at kasalukuyan siyang natutulog.
"Ayos lang po ako, Ma. Hindi rin ako nagugutom. Gusto kong ako agad ang makita ni Anderson kapag nagising siya. Kaya ko na po 'to"
Lumapit si Mama sa akin at hinaplos ang buhok ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at bakas kong nalulungkot din si mama sa sitwasyon namin.
"Anak hindi ka pa kumakain simula kahapon. 'Wag mo namang hayaang pati sarili mo ay mapabayaan mo. Alam mo namang ayaw ni Anderson na malipasan ka ng gutom diba? Alagaan mo rin ang sarili mo. Higit kanino man, ikaw lang ang tanging makakapagpalakas kay Anderson kaya dapat lang na makita ka niyang maayos at malakas"
Kahit naman kasi pilitin kong kumain eh hindi ko kaya. Wala akong gana. At isa pa, sino namang gaganahang kumain lalo na kapag nakikita mong nahihirapan at tuliro ang mahal mo?
Makikipagtalo pa sana ako pero a sudden realization hit me. I need to regain my strength. Tama si mama. Baka imbes na gumaling si Anderson eh baka lumala ang kondisyon niya kapag nakita niyang unti-unti na rin akong kinakain ng sarili kong sistema.
Tumayo ako at dumiretso sa mesa. Maraming pagkain ang nakahain. Inuna kong kainin ang lutong ulam ni mama. Sinunod ko ang mga prutas at uminom na rin ako ng vitamins pagkatapos.
"Ma, labas lang po ako saglit. Magpapahangin lang po"
"Mabuti naman at bumalik na ang dating ikaw. Sige lang anak basta bumalik ka kaagad ha. Alam kong sabik na sabik ka nang kausapin ulit si Anderson"
Umoo ako at dumiretso na sa rooftop ng ospital.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...
