Gone

2.6K 30 0
                                    

AMBER'S POV

"Wow ang ganda talaga nitong scarf na gawa mo! Ang galing huhuhuhu buti ka pa marunong gumawa ng ganito samantalang ako maski simpleng stitch lang di ko pa kaya"

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil niya ito. Nakakainis beh kinikilig ako! Hahaha!

"Madali lang naman 'yan B. Gusto mo ba turuan kita? Sabihin mo lang sakin kung kailan ang free time mo para naman hindi ka na mainggit sakin hahahaha. Siya nga pala, may importante akong sasabihin sayo. 'Wag kang mabibigla okay? Kilala kita eh. Masyado kang mabilis magpanic"

Itinaas ko naman ang kamay ko at sinabing, "Swear hindi ako magpapanic B. Unless masamang balita yang sasabihin mo. Nako ha! Utang na loob ayoko muna ng problema ngayon"

Napatawa naman siya ng mahina. "Buti naman kung ganun! Actually good news 'tong sasabihin ko eh. Ewan ko lang kung good nga ba talaga siya for you"

Patuloy pa rin kaming dalawa sa paglalakad sa campus. Wala na palang gaanong tao sa kalsada. Medyo malamig ang simoy ng hangin at ang sarap nito sa pakiramdam.

Napabuntong-hininga si Anderson. "Hmm?"

"B, gusto kong magpakasal na tayo this month" 

Nanlaki ang mga mata ko! As in to the full extent!

"Ha? Ang bilis naman yata B?"

Huminto siya sa pagalakad. "Alam ko pero kasi gusto kong maging akin ka na talaga. Ayokong may makaagaw pa sayong iba diyan. Amber, sana maintindihan mo na bilang isang lalaki ang hirap isipin na yung babaeng mahal na mahal mo eh napapaligiran ng mga lalaking di hamak na sampung paligo ang lamang kesa sakin. Natatakot ako sa posibilidad na baka isang araw iwan mo ako. Na baka habang nagtatrabaho ako sa ibang lugar at ikaw naman nag-aaral dito ay makahanap ka ng ibang lalaki na mas gwapo, mas mayaman at mas madalas kang nakakasama. Ewan ko pero natatakot talaga ako sa tuwing naiisip ko ang mga iyon. Sobrang takot na takot"

Hindi ko naiwasang tumingin sa malayo. Bakit iba ang kutob ko? Bakit parang ayaw ko sa sinabi ni Anderson? Oo mahal na mahal ko siya pero nang marinig ko ang mga binitawan niyang salita parang may mali. 

"B naman. Sa tagal ko nang nag-aaral dito ngayon ka pa ba magdududa? Maniwala ka sakin. Kahit gaano pa karaming gwapo at mayamang lalaki ang makita ko, hinding-hindi ka nila mapapalitan sa puso ko. Ikaw lang ang laman nito at ipinapangako ko na ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. B? Huy"

"Ayaw mo bang magpakasal na tayo?"

Napaurong yata ang dila ko sa tanong niya. Of course gusto ko. Gustong-gusto! Kaso bakit feeling ko malapit na siyang mawala sakin? Na mali ang magpakasal kami agad.......

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon