Kinabukasan, naisipan kong ipaghanda ng breakfast ang buo naming pamilya. Nagprito ako ng itlog, bacon at hotdogs. Nagtimpla na rin ako ng kape.
"Oh Anderson ano nakain mo at nagluto ka ngayon ha?" nakangising tanong ni mama. Nasa likod nya na rin pala sina ate at kuya pati si Amber.
"Masama po bang magluto, Ma? hahaha tara na kumain na po tayo at baka lumamig 'yung pagkain"
Pero bago yan, inalalayan ko muna si Amber sa pag-upo. Ngumiti lang sya. Oh God, napakaganda tlga ng pamangkin kong 'to. Ang swerte ng magiging boyfriend nya.
We ate in silence.
Nag volunteer na si ate na sya na raw ang maghuhugas ng mga pinggan kaya naupo nalang kami sa sala.
"Tito.. samahan mo naman ako sa mall. Bibili lang ako ng gift para kay Mama. Birthday nya na sa sabado eh" pabulong nyang sabi sakin.
Oo nga pala. Thursday na ngayon and sa saturday na ang birthday ni ate.
"Sure"
Agad kaming nagpunta sa SM Pampanga. Ginamit ko muna yung sasakyan ni kuya para hindi na kami mahirapang magcommute.
"Amber, ano nga palang naisip mong iregalo kay ate?"
Nag-isip sya sandali.
"Actually wala pa nga tito eh. Tara, libot muna tayo para naman makapili ako ng gift kay Mama"
Naglibot-libot nga kami sa loob ng mall. Pumasok kami sa mga boutiques, iba't-ibang shops at stores. Lumipas din siguro ang dalawang oras bago sya nakabili ng ireregalo nya.
Kumain din kami saglit sa isang resto at nag-ikot na ulit kami."Bat naman puro art materials ang binili mo? Akala ko ba gift ang bibilhin mo? Seriously?" natatawa kong tanong.
Sinuntok nya lang ako sa braso.
"Tse! Syempre kailangan may banner sa birthday ni Mama. Haha! First time ko nga lang 'tong gagawin eh. Lagi kasing busy si Mama tuwing birthday niya. And since nandyan ka na rin naman Tito, obligado kang tulungan ako okay?"
"Wow ha hahahaha. Oo na! Dalian mo na lang sa pamimili dyan. Ang sakit na kaya ng paa ko kakalakad. Maawa ka naman"
"Panget mo tito! Wag ka ngang magpout hahaha"
1 hour after, natapos na rin sya sa pamimili. Inalalayan ko sya sa pagdadala papuntang sasakyan. Pareho kaming pagod. But it's worth it. Nakikita ko kasing masaya si Amber ngayon.

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...