AMBER'S POV
Hindi na ako nag attempt pa na lumingon sa likod. Leche talaga! Buti nalang wala silang dalang matulis na armas kundi kanina pa ako deads huhuhu
Takbo lang ako nang takbo. Pakiramdam ko nga wala na akong paa eh!
"Psst! Dito!"
Shet ang creepy. Sino yon? Lumingon ako sa paligid. Wala namang tao.
"Dito sa likod ng puno! Bilis!"
Kahit na naguguluhan pa ako eh sumunod ako papunta sa puno.
"Khen?!"
"Ssssh. 'Wag kang maingay. Baka marinig nila tayo"
Tumango ako. Maya-maya pa, nandon na sa kalsada yung dalawang kriminal. Hingal na hingal sila at panay ang murahan.
"Tangina mo naman kasing gaga ka. Sabi ko sayo doon sa kabila dumaan yung bobita na yun!"
Binatukan naman siya nung babae. "Wow ako pa ha! Sino kaya satin yung tanga na hindi marunong humawak sa bobita na yon? Diba ikaw? Ha ha ha"
Napabilis ang tibok ng puso ko. So hindi pala random lang ang tangka nilang pagkidnap sakin?! Jusmiyo wala naman akong ginagawang masama ah. Wala din naman akong kaaway except nalang talaga sa mga katheatre-mate ni Khen.
"Gaga! Hindi pwedeng makatakas yun! Kailangang mapatay na natin siya or else ikaw ang papatayin ni fafa Jared. At kapag nangyari yun, hindi ko na mauubos ang katas niya"
Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang pangalan ni Jared. Posible kayang.....?
No no no. Erase that thought. Sobrang bait ni Jared eh. Tsaka wala naman siyang galit sakin. Bobo Amber. Ano bang nakain ko at naisip ko yun?!!!!
Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan na rin silang tumakbo palayo. Nabunutan ako ng tinil sa lalamunan. That was close!
Humarap ako kay Khen. "Thanks for saving me"
He smiled. "No problem"

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomansaThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...