Pagdating sa banyo, dali-dali akong nagbuhos ng isang tabong tubig. Malamig yung tubig, sagad yung nginig ko hanggang buto. Masaya 'to! Atleast kahit papaano eh nabawasan yung kirot sa dibdib ko.
Yung mga simpleng salita ni tito, yun yung sumampal sakin sa katotohanan. Napakababaw ko naman kasi masyado. Salita lang yun pero sobra akong affected. What more kung sinabi nya sakin yun intentionally diba?
Humarap ako sa salamin.
"Amber, 'wag ka ngang tanga. Tito mo yun, okay? Mali yang nararamdaman mo. Maghunos-dili ka! Kasalanan sa Diyos 'yang gusto mong mangyari. Enough of your shits"
After nun, medyo nahimasmasan na rin ako. Tutal basa na rin naman yung katawan ko, naligo nalang ako. Nag-ayos ng sarili at bumaba na ulit. Mas maganda siguro kung mag-uunwind ako sa labas.
"Bakit nga kaya ako naattract kay Tito? Kung iisipin marami namang mas gwapo kaysa sa kanya. Maraming mas matalino, maappeal, mabait? Susmaryosep. Infatuation lang siguro 'to. Huhuhu nababaliw na ako dito. Kinakausap ko na sarili ko! Huhu"
"Oh Amber! Nandyan ka pala? Kamusta? Wala kang kasama?"
"Ikaw pala yan Jared! Hahaha okay lang ako. Oo, ako lang mag-isa"
"Bakit ka naman mag-isa? Nasaan na yung boyfriend mo? Magkaaway ba kayo?"
T-teka. Boyfriend? Huh? Si tito ba ang tinutukoy nya? Tinaasan ko siya ng kilay.
"You mean yung lalaking naabutan mo sa bahay? Ah tito ko yun. Nakita mo pala sya. No, hindi kami magkaaway. We're good "
"Sorry naman. Sa itsura nya kasi mukhang magkasing-edad lang kayo. Hindi ko akalain na tito mo pala yun! Haha pasensya na ha, ang pakialamero ko masyado"
"Ano ka ba, wala yun! Kamusta ka na pala? Tinanggap ba ng girlfriend - I mean ex gf na pala, yung regalo mo?"
Bigla syang natahimik at umaktong nag-iisip. Nakalimutan kong sabihin na ex gf na niya yung reregaluhan niya. Ayun, pinagpalit daw siya sa iba. Iniwan sa ere, ganon.
"Ayos lang naman ako. Hindi ko na binigay kasi alam kong itatapon niya lang 'yon. Alam mo ba, oras-oras sya yung naiisip ko. Gusto ko nang mag-move on kaso labag naman sa kalooban ko na gawin yun. Sa lahat nang bagay sya lagi naaalala ko. Mahal na mahal ko talaga sya eh... kahit na iba yung mahal nya. Bakit ganun? yung mahal ko iba pala ang mahal. Tapos ako? Heto. Umaasang makatanggap ng kakarampot na pagmamahal galing sa kanya. Na hindi naman nya masuklian kasi nga iba yung gusto nyang pagbigyan nun"
Bigla nalang tumulo ang mga luha nya. Uh oh.
Naaawa ako sa kalagayan ngayon ni Jared. Mas malala pa 'to kaysa sa nararamdaman ko. Maswerte ako dahil hindi sya nahiya or nagdoubt man lang na sabihin ang mga ganito kapersonal na bagay. Gusto ko tuloy syang tulungan.
"Ah, Jared. Gusto mo ba ng tulong? Kahit ano. Para naman maibsan 'yang pain na nararamdaman mo. We're friends naman diba? Gusto ko before matapos ang vacation namin eh makatulong naman ako sa ibang tao :)"
"Talaga? Salamat Amber!"
Then he hugged me. I guess, makakatulong din si Jared para mawala yung attraction na nararamdaman ko kay Tito. And sana matulungan ko din si Jared sa problema nya :)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...
