AMBER'S POV
Ngayong malinaw na sa akin ang lahat, panatag na ang loob ko.
Pagkatapos kasing sabihin ng mga pulis ang resulta ng imbestigasyon nila, mahinahon kaming nag-usap ni Jeremy, ang boyfriend ni Carla, tungkol sa lahat. Mula sa pangbablackmail ni Jared kay Carla, sa mga masasamang ginawa nila noon, sa balak na pagpatay sa amin ni Anderson hanggang sa umabot na nga sa punto na kinailangang kidnapin si Jeremy para matapos na ang huling misyon ni Carla.
"Sorry talaga Amber kasi pinagbintangan kita kanina. Iyon kasi agad ang naisip ko kasi hindi ko matanggap na patay na si Carla at ang baby namin. Parang binibiyak ang puso ko tuwing naiisip ko na wala na sila. Na mag-isa na lang ako. Ni hindi ko man lang naranasang matawag na "Papa" at hindi ko na rin masisilayan ang magandang mukha ng magiging asawa ko"
Sinabi na rin pala ni Jeremy na hindi totoong si Jared ang ama ng dinadala ni Carla kundi siya. Sinet-up lang daw ni Jared yon para madali nilang maisagawa ang misyon nila. Nag-iinit ang dugo ko sa galit pero alam kong biktima lang din si Carla. Too bad dahil may inosenteng bata na nadamay sa kagagaguhan ni Jared.
"Ayos lang 'yun. Hindi rin naman kita masisisi sa ginawa mo kasi alam kong doble pa ang sakit na nararamdaman mo kumpara sakin. Pasalamat nga ako kasi kahit na tulala pa rin si Anderson hanggang ngayon eh safe siya at buhay. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa mag-ina mo. Sayang at hindi ako nakasama sa libing niya. She's a great friend of mine. Para ko na siyang kapatid"
Tumayo siya at may dinukot sa bulsa. Nang makita ko iyon, isa palang piraso ng papel. Inabot niya ito sa akin. "Ano yan?"
Kinuha ko ang papel at binuklat ito.
"Nakita ko yan sa bulsa ng pantalon ni Carla nung nabaril siya. Pasensya na kung nabasa ko. Ikaw na lang mismo ang magbasa dahil para sa'yo talaga yan. Mauna na ako. Salamat ulit"
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...
