Consequences

9K 113 0
                                    

AMBER'S POV

Sa gitna ng tawanan namin ni Jared, biglang sumulpot si Tito. Hindi ko maintindihan pero bigla na lang akong nawala sa mood. Naaalala ko pa rin kasi 'yung sinabi nya eh. Alam ko namang di aware si tito na nasasaktan ako. Yeah, halata naman sa kilos nya.

Nung tinanong nya ako kung anong ginagawa ko dito, I changed my voice into a very cold one. Gusto kong mafeel nya na nagtatampo ako sa kanya... at nasasaktan! I want him to see a new version of me. Na kaya ko ring magalit. Though hindi dapat kasi di naman nya sinasadya. Ah basta! Masakit kasi talaga. Feeling ko para lang akong basahan na pagkatapos gamitin at madumihan eh itatapon nalang kung saan.

"Ano ba tito! Kasama ko naman si Jared eh. We're friends! Wala kang dapat ipag-alala. Kaya ko na sarili ko"

Napasigaw na ako sa inis. Ang gulo ng buhay ni tito! Kaibigan ko naman si Jared. What's into him at nanggagalaiti sya sa galit? Napaka-bossy nya. And I hate it.

"Amber, look. Ni hindi mo pa nga kilala yang kasama mo eh. At pwede ba! Pamangkin kita. Paano kung may mangyaring masama sayo? Ako ang masisisi. May concern ako sayo kaya sana naman sundin mo ako. Halika na. Bumalik na tayo sa bahay. Baka magalit sakin si ate at mama"

Nagpupumiglas ako nang hawakan nya ng mariin ang kamay ko. Sht.

"Pre bitawan mo na siya. Nasasaktan si Amber. Tsaka ano bang problema mo sakin? Hindi ako kasing-gago ng iba dyan. Mapagkakatiwalaan ako"

"Puta! talaga lang ha? Etong sayo"

Hindi ko inaasahan na susuntukin ni tito si Jared! Sa sobrang lakas nya, halos pumutok na ang labi nito. Puno na ng lupa ang damit ni Jared dahil sa ilang beses nyang pagsubsob sa lupa.

Ayaw pa ring paawat ni tito. Sinusubukan ko na syang pigilan pero pati ako nagawa nyang itulak.

"Ugh.. a-ang... s-s-akit..."

Paghawak ko sa ulo ko, puro dugo. At nawalan na ako ng malay pagkatapos......

ANDERSON'S POV

Yamot na yamot talga ako sa pagmumukha ni Jared. Ugh! kaya nang bigla syang sumabat sa usapan eh bigla ko na syang pinaulan ng suntok.

Sunud-sunod. Sa labi, sa mata... sa pisngi! Gusto kong ibuhos sa kanya lahat ng sakit na nararamdaman ko. Matapos nyang agawin sakin si Carla, ang lakas pa ng loob nya na maghugas-kamay. Gago pala sya!

Sinusubukan nya ring paulanan ako ng suntok kaso lagi ko syang nauunahan kaya sya lang ang napupuruhan. Putok na ang labi nya pati ang kaliwang kilay.

Kung tutuusin, kulang pa nga 'to eh. Ikaw kaya maagawan ng minamahal, ano bang mararamdaman mo? Matutuwa ka ba? SYEMPRE HINDI.

Nararamdaman ko namang inaawat na ako ni Amber. Hinihila nya kasi yung damit ko eh. Pero di ako magpapatinag. Di pa ako tapos dito sa gagong 'to!

Tinulak ko si Amber. Hindi naman malakas. Pero nagulat ako nang makita syang nakahiga sa semento.

Punong-puno sya ng dugo! Sa ulo! Putangina ano bang nagawa ko!

"Amber, gumising ka! Hoy ikaw tulungan mo ako dalhin natin sya sa ospital!" Sigaw ko kay Jared. Pero pati pala sya eh hinang-hina na. Puta talaga. Natataranta na ako!

Binuhat ko na kaagad si Amber at nagtatatakbo papuntang bahay. Medyo malapit lang naman at laking pasalamat ko dahil nandun ang sasakyan ni kuya.

Iniwan ko na si Jared sa damuhan. Tutal mas importante na maagapan si Amber. Sht ano ba kasing katangahan ang ginawa ko. Kapag may nangyaring masama kay Amber di ko talaga mapapatawad ang sarili ko!

Pagdating sa bahay nagsisigaw ako ng tulong. Saktong nasa labas sila kaya agad namin syang naisakay sa sasakyan.

"Lord please. Iligtas nyo po sana si Amber. Nagmamakaawa po ako sa inyo"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon