Face your Fear

4.4K 77 1
                                    

Binayaran na ni Anderson yung ticket naming dalawa. Hindi niya nga ako pinapasok sa mimong loob kung saan dapat magbayad non. I guess mahal yung presyo ng ticket kaya di niya pinakita sakin. Alam niyang hindi ako papayag na gumastos siya ng malaki! Hahahaha.

Una naming pinuntahan 'yung mini zoo.

"B, picturan mo naman ako kasama 'tong unggoy"

Inabot ko sa kanya yung phone ko.

"Sige Amber. Ready ka na ba? Okay 1,2,3!"

Tatlong beses akong nagpakuha ng picture sa tabi ng unggoy. Tawa lang nang tawa sakin si Anderson. Siyempre hindi rin siya nagpahuli. Nakisuyo siya sa caretaker nung unggoy para kuhaan kaming dalawa ng picture with the cute monkey.

Yung unang pose namin, katabi ko yung unggoy. Next, karga ni Anderson. Third naman eh nasa gitna namin yung unggoy. Para nga kaming isang masayang pamilya. Hihihi!

Chineck ko naman yung pictures sa phone. Tuwang-tuwa ako sa mga pose ko. Halos lahat naka-wacky. Meron ding stolen.

"B doon naman tayo sa snake! Dali!" hinihila ko siya papunta sa malalaking cage ng ahas.

Parang bato si Anderson na ang hirap hilain. Tinignan ko siya. May mga butil na ng pawis sa noo niya. Nakapikit yung mata niya tapos nanlalamig ang mga kamay. Oh. I guess I knew the reason.

"Takot ka sa ahas? Hahahahahahahahahahaha"

Napabitaw ako sa paghawak sa kamay niya and instead ay sa tiyan ko inilagay yung mga kamay ko. Grabe ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.

Tinitigan niya ako ng masama.

"Oh bakit? Hahahahaha kalalaki mong tao B takot ka sa ahas? Ang cute kaya nila. Ang sarap yakapin"

Nangasim yung mukha niya sa sinabi ko. Wala 'to, mahina!

"Kilabutan ka naman B sa sinasabi mo. Nakakatakot kaya ang mga ahas. Parang anytime lilingkis sila sa katawan mo tapos tsaka ka tutuklawin. Ihh"

Tumigil na ako sa pagtawa dahil meron akong naisip na magandang ideya.

"Don't worry B, I have an idea! It's time for you to face your fear with those cute snakes"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon