Plans

5.1K 77 3
                                        

"Amber, ano na nga palang plano mo? Diba next week uuwi na kayo ng Manila?"

Thursday na ngayon. Sa dami ng nangyari sakin hindi ko na namalayan na malapit na nga pala kaming bumalik sa Manila. May trabaho pa kasi sina mama at papa. Tapos may summer class naman ako (Mag-aadvance ako ng ilang classes).

"Oo nga B, eh. Sobrang bilis ng araw. Hindi ko pa masyadong naeenjoy 'tong bakasyon! Urgh"

"B" ang tawagan namin ni Anderson. Short for babe. Ayaw ko ng ibang endearments. Masyadong sweet. Tsaka karamihan sa mga common na endearments ngayon eh gasgas na.

"Pano na yan pag bumalik ka na? Edi makakalimutan mo na ako?" sabi niya na may halong lungkot.

"Syempre naman hindi no! Alam mo naman B na ikaw ang first love at first boyfriend ko. Hinding hindi ko magagawang kalimutan ka. Baka nga ako pa makalimutan mo eh! Hmp"

Niyakap niya ako sa likod. I giggled. Kinikilig ako! Jusko damang dama ng likod ko 'yung 6 pack abs ni Anderson. Sht na pandesal. Napapakagat labi na lang ako dito hihihi.

"B, what if sumama na lang kaya ako sa inyo pabalik ng Manila? Tutal payag naman sina Mama sa relasyon natin, right? May sapat na akong ipon para magrent somewhere in your area. Maisip ko pa lang kasi na sasabak tayo sa LDR, parang dinudurog na puso ko eh"

"Pero B paano yung trabaho mo dito? Paano sina lolo at lola? Matanda na sila. W-walang mag-aalaga sa kanila" sagot ko. I liked his idea kaya lang ayoko naman maging selfish.

Napaisip siya sa sinabi ko.

"Sige na nga B. Dito na lang ako sa pampanga. Basta ha, kapag nakauwi na kayo wag mong kakalimutan na tawagan ako okay? Wag mo din akong ipagpapalit. Mahal na mahal kita, B!" Ughhhh yung hormones ko sa katawan nagwawala na!

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

-------------------------------------------

This chapter is dedicated to @RicaBelga :-) Thank you for reading my story! Hihi sana nagustuhan mo yung pahapyaw na sweet moments nina Anderson at Amber! Lovelots!

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon