Invitation

5.8K 86 0
                                    

Kinabukasan, back to normal na ulit. Pero these fast few days, aaminin kong sobra akong natutuwa kay tito. Ewan ko ba pero kakaiba yung mga kinilos niya. Lahat ng trip ko sinasakyan nya eh. At hindi nya na rin nababanggit 'yung Carla.

He seems happy naman. Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. What if magconfess na ako sa kanya? Tapos ano marereject lang ako? Huhuhu.

Sana kasi di ko na lang sya naging tito. Sana ampon nalang sya. Siyempre joke lang 'yun.

"Amber, baby girl, samahan mo naman ako mamaya pabalik ng Manila. Invited kasi tayong dalawa sa debut ng pinsan natin, si Georgianne. Binilhan na kita ng damit na isusuot mo kasi biglaan 'yung occasion and obviously wala kang dress na dala"

Kababalik lang ni ate tapos babalik na naman sya? Hindi ba sya nagsasawa? Tapos kasama ako? Ano ba yan!

"Eh ate kababalik mo lang dito tapos aalis ka na naman? Hindi ba pwedeng wag na tayong pumunta?" reklamo ko.

"Magtatampo si Georgianne panigurado. Tsaka okay nga sakin yung pabalik-balik eh. Ang saya kaya! And hello dear sister, maraming gwapings na ininvite si Georgianne. This your time to get a boyfie"

Binato ko naman sya ng unan sa ulo.

"Ate naman eh! Asa naman akong may magkagusto sakin dun. Dito na lang kasi ako. Ikaw nalang pumunta. Ayoko pa umalis dito"

Binato nya rin ako ng unan pabalik. Ayoko nga kasing pumunta dun! Baka mamaya puro shonget naman ang invited. Ayokong maging wallflower. Dahil una sa lahat, hindi kami close ni Georgianne. She's too famous sa school nila. 'Di hamak na mas mayaman ang pamilya nila kaysa sa amin. At isa pa, sobrang nakakaintimidate sya kasama. Baka magmukha akong kinayod na paa kapag tumabi ako sa kaniya.

"Amber naman. Please? kahit ngayon lang. Inaasahan tayo nina Tita doon. Sayang naman yung dresses na binili ko" nagmamakaawa na talaga si ate nang mga oras na iyon.

"Oo na ate sasama na ako. Pero sa isang kondisyon"

"Yehey! Anong kondisyon? Huwag yung mahal o mahirap ha. I know you! Pilya ka masyado"

"Wag mo ako iiwan dun ha. Alam mo naman na di kami close ni Georgianne eh" nahihiya kong sabi.

Tumawa lang sya nang tumawa. Baliw talaga si ate.

"Oo naman! basta sure na yan ha? Bawal umayaw"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon