Danger

2.6K 37 1
                                        

AMBER'S POV

From being happy to being mad real quick.

Nauuna na ngayon si Anderson sa paglalakad.

It's my fault, yes. Eh sa ayoko pa kasing magmadali sa pagpapakasal. Masyadong sagrado yun para gawin ng mabilisan at nang walang pagpaplano, diba? 

Hindi na ako umimik at tahimik na lang na sumusunod sa kanya. Namiss ko pa naman siya ng sobra! Huhuhuhu ganon ba talaga kapag sobrang saya mo? Laging may kasunod na sakit?

"Anderson!!!!!" Sumigaw ako. Hinintay ko kung lilingon ba siya pero tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad.

Isa pa. "ANDERSOOOOON!!"

"Mmmmm!" May nagtakip ng bibig ko! Sht! Sabi ko na nga ba may masama na namang mangyayari sakin!

Sinusubukan kong kagatin ang kamay ng taong nasa likod ko pero masyado siyang malakas. Tangina ang layo na ni Anderson. Paano na ako?!

"Wag ka nang magpigil, miss. Masasaktan ka lang"

Ganyan naman kayong mga lalaki. Panay sabi kayo na magpigil kami eh ang hirap kaya! Wala oh. Nasaktan niyo na kaming mga babae! Pero joke lang 'to. Huhuhuhu

"Mmmmmm"

"Hah. Tatahimik ka ba o gigilitan ko yang leeg mo?"

Ramdam ko na ang malalamig na butil ng pawis na namumuo sa noo ko. Masyadong malakas ang taong nasa likod ko at isang maling galaw ko lang papatayin niya ako.

"Very good. Maayos ka naman palang kausap eh. Hoy gaga anong tinatanga tanga mo diyan? Ispray-han mo na!"

Isa na namang tao ang lumitaw mula sa likod. Alam kong babae siya dahil sa hubog ng katawan niya. Nakasuot siya ng itim na maskara kaya hindi ko mamukhaan kung sino ba siya.

Lord!! Tulungan mo naman po akong makatakas ngayon. Please! Hindi pa ako ready mamatay! Pakakasalan ko pa si Anderson. Bubuo pa kami ng isang malaki at masayang pamilya :(

"Tangina shit. Ubos na ang spray! May extra ka ba dyan? Tangina naubos ata don sa guard!"

"Puta naman beh. Bakit mo inubos! ISA LANG YAN! Anong gagawin natin? Alangan namang buhatin natin 'to? Ang taba nito ha! Ayokong masira ang beauty ko sa pagbuhat ng balyena"

Aba ibang klase naman pala 'tong mga hayop na 'to. Kailangan manlait? Nakakainit ng ulo! Hindi kaya ako mataba!!!!! Medyo lang!

"Shit talaga. Patayin na natin siya dito!"

"MMMMMMMMM!!!"

This time nagpupumiglas na ako. Kung mamamatay lang din naman ako ngayong gabi might as well ibuhos ko na ang buong lakas ko para manlaban. Atleast sa huli, alam ko sa sarili ko na "I did my best, but my best is not enough" huhuhhuhuhuhu joke lang.

Nanahimik ako saglit. Kailangan ko tumiyempo. Nang naramdaman kong nanahimik din yung taong humahawak sa bibig ko, bigla kong kinagat ang kamay niya at tinadyakan siya sa kanyang bird. YES! Nanigas siya sa kinatatayuan niya at unti-unting napaupo sa sahig. Sunod ko namang sinapak ang babaeng kasabwat niya. Ang bobo eh! Nakatalikod siya at pilit na binubuksan yung bote ng spray. Saktong pagsapak ko sa babae sumabog yung bote sa mukha niya at siya ang nakatulog. Kinuha ko ang natitira at inispray din don sa kasama niyang namimilipit na sa sakit.

"Oh my god thank you lord!" tsaka ako kumaripas ng takbo.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon