"Ano?! Bakit hindi ka makasagot Anderson? Totoo ba? Mahal mo pa rin si Carla?" napatawa ako ng mapakla. Sabi ko na nga ba. Hindi naman nakapagtataka yon. Wala pang isang buwan ang nakakalipas. Of course mahal pa rin niya yon! Bobo mo Amber. Desperada ka na ba talaga?
"No Amber. Hindi ko na siya mahal. Maniwala ka naman oh. Hirap na hirap na ako na nag-aaway tayo" sinubukan kong hulihin ang mga mata niya pero sa ibang direksiyon siya nakatingin. Halatang nagsisinungaling siya.
"Pwede bang umamin ka na Anderson? Hirap na hirap na rin ako. Alam kong mahal mo pa rin siya. Bakit? Bakit mo nagawang magsinungaling sakin? Kung may awa ka pang nararamdaman sakin edi sana nung una pa lang sinabi mo na agad 'yung totoo. Matatanggap ko naman eh. Umasa ako! SOBRANG UMASA"
"....................."
Nagflashback sa isip ko lahat ng mga memories namin ngayong summer. Mula nung una kaming nagkita, hanggang sa maging close, hanggang sa tuluyan na nga akong ma-fall sa kanya. How stupid of me to believe na magkakagusto din siya sakin.
"Oo na Amber! Aaminin kong mahal ko pa nga si Carla. Masisisi mo ba ako? Siya ang first love ko. Nang malaman kong niloko niya ako siyempre nagalit ako sa kaniya pero kasi ang hirap niyang kalimutan. But nang dumating ka sa buhay ko, pinilit kong burahin ang feelings ko sa kanya. I succeed. Totoo lahat ng effort na binigay ko sayo. Totoo yung pagmamahal na ipinararamdam ko sayo. Lahat ng naramdaman ko noon kay Carla, nabaling na sayo. So please, let's end this argument. I love you Louise Amber. I really do"
Niyakap niya ako ng mahigpit. 50/50 ang puso't isip ko kung bibigyan ko pa ba siya ng chance o 'wag na. Kakaamin niya lang na mahal niya pa si Carla diba?
"Pero sabi mo mahal mo pa si Carla. Ano yun dalawa kami sa puso mo?"
Umiling-iling siya.
"No. Siguro confused lang ako kanina dahil nagkita kami. Mahal ko pa siya pero mas mahal na kita ngayon. Please give me a chance para naman mapatunayan kong deserve ko na mahalin ng isang katulad mo. I'll do anything to win your trust again. Just say YES"
Lumalalim na ang gabi at malamig na ang simoy ng hangin. Kailangan na naming bumalik sa bahay. Pagod na rin ako. Kaya ang nasagot ko na lang sa kanya ay "Okay".

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...