AMBER'S POV
Start na ng summer class namin ngayong araw. Ang bilis nga eh. Isang linggo mahigit na akong walang maayos na tulog. Same dream. Same hour....
"Oh hindi ka na naman ba nakatulog ng maayos? Nako Amber ano bang nangyayari sayo? Hindi pwedeng lagi ka nalang puyat. May klase ka na"
Maagang sermon ni mama sa akin. Ughhh kung alam ko lang din ang dahilan edi sana hindi ako nagkakaganito.
"Ma naman eh. Di ko din po alam. May advil po ba diyan? Medyo masakit yung ulo ko eh" tanong ko habang hinahanda na ang mga gamit ko.
Inabot naman niya yung gamot na ininom ko after ko kumain.
Nagpaalam na ako kay mama at nag-abang na ng masasakyan papuntang UP.
Since medyo malayo pa naman, umidlip muna ako. Shit inaantok ako.
"Miss hindi ka pa ba bababa?" asar na sigaw ng.... driver.
Napadilat ako ng mata at hala!!!!! Lagpas na ako sa UP! Inabot ko na agad kay manong yung buong bente at patakbong bumaba. Muntik pa akong matisod!
Dumiretso ako sa AS. Room 403. Ayun! Sa dulo! Tumakbo ako ng mabilis. Tingin sa relo. 7:35. Late na ako ng 5 minutes!
"Okay. Kalma lang Amber. Kaya mo 'to" Huminga ako ng malalim at marahang pinihit ang doorknob.
Patay! Nasa loob na ang prof namin. Napapikit ako. Nakakaihi at nakakakilabot ang mukha ng prof namin sa Speech Com.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Naghalakhakan naman ang mga estudyante. Hala anong meron?
Tinignan ko ang suot ko.
Baliktad ang blouse ko! Siopao! Ganito pala ang epekto 'pag bangag. Nakakahiya.
"S-sorry M-miss. Di na po mauulit" pagpapasensya ko sa prof ko.
"Please take your seat immediately and close the door. Next time I won't allow you to come in. You're already 5 minutes late!" Sigaw niya. Tumingin ako sa loob ng room para maghanap ng vacant seat. Yes may isa pang vacant! Kaso uh oh. Nakapwesto ang upuan sa gitna ng mga bully ba theatre mates ni Khen. Actually nandun din pala siya. Sa harap nga lang ng vacant seat.
No choice ako kundi doon sa bakanteng upuan maupo. Masama na agad ang impression ng prof ko. Ayoko nang kumota. Isa pa kailangan kong tatagan ang loob ko dahil feeling ko hindi ako safe sa bagsik ng mga bullies sa tabi ko huhuhuhuhu.
![](https://img.wattpad.com/cover/32247848-288-k544795.jpg)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomantizmThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...