Buong biyahe akong tulog. Ewan ko ba pero feeling ko pagod na pagod ako kaya siguro di ko na namalayan kanina na napapikit na yung mata ko.
Pagbaba namin sa Cubao eh pumara agad si Papa ng taxi. Kailangan by 3pm nakauwi na kami dahil kailangan niya pang pumasok sa work niya mamaya.
"Amber, heto oh" sabay abot ni ate ng crackers at mineral water. "Kumain ka na muna. Kumukulo na tiyan mo sis"
Kinuha ko naman yung binigay niya at tahimik na kinain yon habang nakatingin sa labas ng bintana. Medyo makulimlim sa labas. Mukhang uulan mamaya.
Biglang nagvibrate yung phone ko. Itinabi ko na sa plastik yung basura tapos chineck ko kung sino ang tumatawag.
B CALLING....
Agad akong lumunok to make sure na maayos ang boses ko. Tsaka ko sinagot ang tawag.
"Oh B napatawag ka yata? May problema ba diyan?"
He chuckled. "Wala naman B. Gusto ko lang sanang tanungin kung nakauwi na ba kayo. Tsaka miss na miss na kita sobra" lumungkot ang boses niya.
"I see. Hindi pa eh. Actually kasasakay lang namin ng taxi. Sobrang traffic dito sa Cubao. I guess mga 2pm pa kami makakauwi. Don't be sad, B. Mas miss na miss naman kita hihihi"
Ang harot harot ko na pala hahahaha. Nakatingin na kasi sakin ng masama si Papa. Ay! Naistorbo ko yata ang pag-uusap nila ni manong driver.
Umubo ako at nagpaalam na kay Anderson. Mamaya ko na lang siya tatawagan. Kapag nasa kwarto na ako hihihi. Ano ba yan. Kinikilig pa rin ako. Ang sarap tuloy bumalik sa Pampanga! Joke lang.
Tumingin-tingin lang ako sa labas. Nakatulog na kasi sina Mama at ate kaya wala akong makausap.
MATAPOS ang isang oras na biyahe, sa wakas nandito na kami sa tapat ng bahay. Ginising ko na sina mama at ate. Nauna na akong bumaba para buksan ang gate. Hawak ko na rin naman ang susi kaya binuksan ko na rin pati ang pinto ng bahay namin.
"Yehey Welcome Home!" Napasalampak nalang ako sa sofa sa labis na pagkatuwa. Namiss ko talaga 'tong bahay. At dahil nakauwi na kami ibig sabihin back to normal na talaga ulit. Mananawa na naman ako sa mga assignments, projects, thesis, activities sa orgs, at sa mukha ng mga terror profs namin.

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...