ANDERSON'S POV
Nasaktan ako sa sagot ni Amber kanina. I know na mali din naman ang stand ko at masyado pa nga talagang maaga para magpakasal kami pero wala, eh. Mahal ko kaya as soon as possible gusto kong maging opisyal na kami sa harap ng Diyos.
"ANDERSON!"
Ayoko munang tumingin sa kanya. Nagtatampo pa rin ako. Tumuloy pa rin ako sa paglalakad nang walang lingon-lingon sa likod. Ramdam ko namang nakasunod lang si Amber sakin. Promise kapag nakarating na kami sa back gate lilingonin ko na siya at ako na ang hihingi ng tawad. Mahal ko eh. Hindi ko siya kayang tiisin.
"asdfghjkl"
Sumigaw ulit siya pero I controlled myself. Kilala ko yan si Amber. Masyadong makulit at maloko. Baka magpapabuhat lang siya.
Nakaramdam na ng pananakit ang mga daliri ko sa paa. Malayo na yata ako masyado. Teka, tama pa ba 'tong nilalakaran ko? Finally lumingon na ako sa likod. Putragis! "AMBER?!"
Pero wala siya sa likod ko. Shit! Mabilis nga pala ako maglakad! Hala pucha!
Tinakbo ko ang daan pabalik. Isa-isa nang nagsisimatay ang mga lamp posts dito. Pucha talaga! Kahit lalaki ako malaki ang takot ko sa mga multo.
"Amber? Nasaan ka? Please bati na tayo! Magpakita ka na oh"
Walang sumasagot. Tanging pagaspas lang ng mga dahon ang naririnig ko. Lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Napakamot ako sa ulo out of frustration. Ang tanga ko! Ano bang nakain ko at naisip kong magtampo?! Tanginang kabaklaan 'to. Kapag napahamak siya wala talaga akong ibang sisihin kundi ang sarili ko!
Kung kanina tumatakbo ako, ngayon naglalakad nalang ako. Bawat hakbang ko, lalong bumibigat ang pakiramdam ko na para bang may masamang elemento ang nakasunod sakin. Panay ang sulyap ko sa likod at sa gilid ko. Tangina naliligaw na yata ako! Fuck.
"Huli ka balbon! Mwahahahaha!"
Isang maskuladong tao ang nagtakip ng bibig ko. Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa bibig ko kaso sobrang lakas niya na tila useless lang ang panlalaban ko. Halimaw ba 'to?!
Lumabas mula sa likod niya ang isang balingkinitang babae. Nakamaskara siya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Hapit na hapit ang suot nitong damit at sobrang nakakadistract sa paningin.
"Well well well. Speaking of good timing. Now you're trapped" Mahina pero matinis nitong sambit.
![](https://img.wattpad.com/cover/32247848-288-k544795.jpg)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...