AMBER'S POV
Nang masiguro kong wala na si Jeremy, pinagmasdan ko ang hawak kong papel. Bumuntong hininga ako. Anuman ang laman nito, susubukan kong maging kalmado at maunawain.
Binuklat ko na ang papel. Maikli lang ang nakasulat at cursive ang writing. May bakas ng pulang likido sa gilid nito pero hindi ko na iyon pinansin.
Nagsimula na akong basahin ang sulat ni Carla.
"Amber,
Bago ang lahat, gusto ko munang humingi ng tawad sa mga nagawa ko sayo. Alam kong sa mga oras na ito, malamang eh patay na ako. Yes. Wag ka nang magtaka kung bakit nasabi ko ito. Masyadong mapanganib ang sitwasyon ko at tanging kamatayan na lamang ang makakasalba sakin. I'm glad I'm already gone.
Sa mga oras din na ito, alam kong alam mo na ang lahat. Mula sa mga pananakot at pagbabanta na ginawa ko noon, sa pananakit ko sayo, sa mga set up na plinano namin dati. Sorry dahil nagawa ko sayo 'yun. Believe me, biktima lang ako ni Jared. Siya talaga ang may kagagawan ng lahat. Nga pala, hindi totoong siya ang ama ng dinadala ko. Yup, buntis ako sa boyfriend ko na ngayo'y kinidnap niya. Hindi ko kinaya ang mga ginawa sa kanya ni Jared. He tortured him, starved to death, at ang pinakahindi ko nasikmura ay ang pangbababoy nila sa kanya. They made a scandal of him naked and electronized. Sobrang nanlumo ako ng mga oras na yun. Siguro naman alam mo ang feeling na makitang nasasaktan ang mahal mo..... sobrang sakit. To be able to save him, I pleaded Jared to make conditions. At yun na nga. Para sa huling misyon ko kapalit ang kalayaan ni Jeremy, pumayag akong patayin ka. With the help of my friend Deceiver, of course. But don't jump into conclusions. Wala talaga sa intensyon ko ang patayin kayo. I already made up my mind na isacrifice ang buhay ko at ng baby ko. Wondering why? Because everything is already set up. Everything is filmed and recorded. Bawat galaw ko alam ni Jared. Bawat buka ng bibig ko binabantayan niya. He is a total psycho. But gusto ko nang matahimik. Gusto kong mabuhay si Jeremy. Gusto kong magkaroon kayo ni Anderson ng magandang buhay sa future. That's why I ley myself be shut by Jared.
I know hindi ganon kadali magpatawad, Amber. I really do understand. Hindi ko hinihingi ang agad na kapatawaran mula sayo but please can you do me a .......favor? Please look after Jeremy. Make sure he's fine and tell him I love him. To the core. Hanggang dito na lang. Continue living and please pray for my soul.- Carla"
![](https://img.wattpad.com/cover/32247848-288-k544795.jpg)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...