Preparations

3K 45 0
                                    

ANDERSON'S POV

Abalang-abala ako sa paghahanap ng mga taong makakatulong sa preparation ng kasal namin ni Amber. Sssh lang kayo ha? Hindi ko pa sinasabi sa kanya na inaasikaso ko na ang lahat. Gusto ko kasi sure na sure na matutuloy ang kasal namin eh, tsaka ayokong mastress siya.

"Ma saang church po kaya magandang magpakasal?" tanong ko kay mama este lola ko na nga pala (Remember, adopted ako) na ngayo'y naggagantsilyo.

"Eh kayo dapat ang magdesisyon niyan. Ayaw ko naman mangialam kasi baka mamaya ayaw mo pala, o baka ayaw ng apo ko" sagot niya.

Napakamot ako sa ulo.

"Ma naman eh. Please? Kahit ano pong suggestion"

"Anderson, anak, masyadong sagrado ang kasal. Kailangan dalawa kayong nagpaplano hindi yung sinasarili mo. Ayaw mo naman sigurong paiyakin ulit si Amber diba? Sawa na 'yun sa mga surpresa. Mas maigi kung sabay kayong maghanda para naman alam niyo ang mga ayaw at gusto ng isa't-isa"

Hindi ko naisip 'yun ah. Paano nga kaya kung ayaw na ni Amver sa surprises? Paano kung umiyak na naman siya? Shit. Sige na nga sasabihin ko na sa kanya mamaya.

"Opo, Ma. Mamaya pala pupuntahan ko siya sa school niya. Gusto kong sunduin siya. Babalik din po ako mamayang 9pm"

Tumango lang si mama. Focused na focused siya sa paggagantsilyo ng balabal niya.

"Ah Ma. Paano po ba gawin yan? Gusto ko sanang bigyan si Amber" Nahihiya kong tanong.

Napatawa siya ng malakas. Sabi ko na tatawanan na naman niya ako! Alam niya kasing wala akong hilig sa mga ganyang bagay. So gay.

"Madali lang naman 'to. Halika ituturo ko sayo"

Lumapit ako sa kanya at step by step niyang itinuro ang paggawa. Maaga pa naman kaya by 5pm matatapos ko rin 'to.

"Ah kung sakali po ba eh may kakilala kayong mga wedding planners, Ma? Yung magagaling tsaka kilala?" I asked out of the blue.

"Oo naman syempre. Mayroon akong kakilala, buong pamilya sila ha, na magaling mag-organize ng kasal. Taga dito lang din sila sa Maynila kaya hindi ka mahihirapang hanapin sila"

Bukas na bukas din ay pupuntahan ko sila. Pero sa ngayon ay kailangan ko munang tapusin ito at pupuntahan ko pa si Amber mamaya. Miss na miss ko na siya.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon