Torn between two men

15.7K 176 0
                                        

Kanina pa ako hindi mapakali kakaikot, kaka-tumbling at kakatalon dito sa kama. Para akong gymnast sa pinaggagagawa ko. Hanggang ngayon kasi eh iniisip ko pa rin 'yung nangyari kanina. Sht! Bakit ba kasi sobrang lambot ng kamay ni tito! Yan tuloy hindi mapigilan ng hormones ko na maexcite at kiligin.

Ano na kayang ginagawa ni tito sa mga oras na 'to? Ughh naiinip na ako. Hindi pa ako inaantok. Puntahan ko kaya sya? Kaso ano namang sasabihin ko sa kanya? Nakakahiya naman kung magtititigan lang kami. Di ko ata kaya 'yun. Pero nakakainip talaga! Bahala na nga. Pupuntahan ko na siya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Konting suklay, palit ng damit, toothbrush, spray ng pabango at VOILA! Pwede ko na syang puntahan.

Nakita ko sa sala ang buong pamilya namin - except kay Tito. Teka! Nasaan kaya sya? Sinubukan ko syang hanapin sa buong bahay. Kaso wala naman ni anino niya don.

"Ma, labas lang po muna ako. Magpapahangin lang po saglit" paalam ko kay mama. Buti nalang at pumayag agad sya. Busy kasi sila sa kwentuhan.

Kahit hindi ko kabisado ang daan, patuloy lang ako sa paglakad. Hindi naman ako natatakot dahil kampante ako na walang magtatangka sakin rito. Dahil nga probinsya 'to, malalayo ang pagitan ng mga bahay.

Lakad pa rin ako ng lakad hanggang sa may maaninag ako sa di kalayuan. Isang anyo ng lalaki. Dali-dali kong pinuntahan ang kinaroroonan nya.

Sa isip ko, baka si tito na 'yun! Yay! Mas lalo kong binilisan ang paglakad.

Nabg makalapit ako, narealize ko na nagkamali ako ng hinala na si tito nga yung lalaking nakita ko. Hindi siya. Nagkatitigan lang kami ng lalaking nasa harap ko. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi naming ilaw.

"Sino ka?" Parehas naming nasabi.

Natigilan sya sandali at nagsalita ulit.

"Ah, bago ka lang dito no? 'Di kasi pamilyar 'yang mukha mo" mahinahon niyang sabi.

"Oo. Dito kasi kami magbabakasyon. Pasensya na ha, mukhang naabala ata kita sa ginagawa mo"
Napansin ko kasing may inuukit sya sa kahoy.

"Pwede ko bang malaman kung ano 'yang ng inuukit mo?" Tanong ko. Gahdd. Napaka weird naman ng lalaking 'to.

"Ito ba? Wala 'to. Regalo ko sana sa girlfriend ko. Monthsary kasi namin bukas. Balak ko syang isurprise. Eh ikaw, miss, bakit ka nagawi dito? Gabi na. Hindi ka dapat lumalabas ng mag-isa. Baka maligaw ka rito"

"Hinahanap ko kasi yung tito ko. Wala siya sa bahay kaya naisipan kong maglakad-lakad para sana hanapin siya. Sige ha, balik na ako. Baka hinahanap na rin ako"

Lalakad na sana ako pabalik pero pinigilan nya ako.

"Bakit?"

"Ah wala naman. Medyo hawig mo kasi yung girlfriend ko. Uhmm, gusto mo samahan na kita pabalik sa inyo? Baka may mangyari sayo sa daan eh"

Tumanggi akong magpahatid pero he insisted. Tsaka tama siya, madilim na sa daan at baka nga maligaw lang ako. Kaya sa huli, pumayag nalang ako.

Nagkwentuhan lang kami ni Jared habang naglalakad. Sobrang daldal niya jusko. Di ko tuloy namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay.

"Uy Jared Thank you sa paghatid ha! Ingat ka pauwi"

"Wala yun, Amber. Sige una na ko. Magandang gabi"

Hinintay ko muna syang makaalis bago ako tuluyang pumasok sa loob. Sakto namang nasa likod ko na pala si Tito. Nakita nya kaya si Jared?

Wait.Eh ano naman?

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa kita hinihintay"

Kinilabutan ako sa tono nya. Napaka-cold. Is he jealous? Susmaryosep. Imposible! Tss. Sobrang imposible.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon