Kwinento ni Jared lahat ng mga sinabi sa kanya ni Carla bago sya umalis ng probinsya.
Nalaman ko na through this years, pinaaasa nya lang pala kami ni Jared. Yes. Both of us. Una pa lang daw, iba na talaga ang mahal ni Carla. Dahil hindi nya raw maatim na saktan ako, na bestfriend nya rin noon, pumayag syang mapaligaw kahit wala naman pala syang gusto sakin. Same din ng nangyari kay Jared. Pero mas malala yung sa kanya. Kasi naging sila. Akala ni Jared official yung relasyon nila pero yun pala ginamit lang sya ni Carla para layuan ko siya.
Bullshit! Kung naaawa talaga sya sa amin, diba dapat sinabi nya nalang yung totoo nung una pa lang? Hindi yung pag-aawayin nya pa kami! Ilang taon kaming nagpakatanga, lalo na ako. Nasayang na nga yung effort at pagmamahal, pati yung mga ipon ko naubos rin.
Nagkwentuhan pa kami saglit tapos nagpasya na kaming umuwi. Maggagabi na. Baka hanapin ako sa bahay.
Nakita ko agad sa sala si Amber na nanonood ng TV. Nilapitan ko sya at naupo sa bakanteng space sa sofa.
"Oh Amber bakit nandito ka? Dapat nagpapahinga ka lang ngayon. Bagong opera ka lang, baka mamaya sumakit na naman yang ulo mo"
Tinignan nya lang ako saglit at tumingin na ulit sa TV.
"Look, concerned lang ako sayo. Kung galit ka pa rin kasi binugbog ko si Jared, I'm sorry. Oo ako ang may kasalanan and I swear pinagsisisihan ko na 'yun. We're friends now. Kanina pinuntahan ko sya para linawin lahat. Nadala lang naman ako ng galit ko kaya ko nagawa 'yun. At isa pa sorry rin kasi nadamay ka sa gulong pinasok ko. Promise babawi nalang ako sayo"
Nagulat ako nang biglang syang yumakap sakin at umiyak.
"Yan lang naman ang hinihintay ko sayo tito... 'yung sorry mo. Kahit di na sakin, kahit para kay Jared nalang. Mabait na tao si Jared. Kahit di ko pa sya masyadong kilala napakabuti nya sakin"
"Sssh, I know Amber. Kaya nga nagsorry na ako eh. Sinabi na niya lahat ng panggagago sa amin ni Carla. Yes, yung babaeng minahal ko at ex niya ay iisa. Biktima lang kaming pareho. I know Carla will get her karma soon. In God's time. Hmm so okay na ba tayo? Di ka na galit?"
"Oo naman tito. Matitiis ba kita?"
Niyapos ko sya ng mahigpit na yakap. Napakablessed ko talaga today. Una nagkaayos na kami ni Jared... tapos heto, okay na rin kami ni Amber. Napakabait talaga ni Lord. Sana tuloy-tuloy na 'to.

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...