Nakatungo lang ako buong period. Wala namang pakialam yung prof namin kasi busy siya sa pageexplain ng mga topics na ididiscuss niya.
Siniko naman ako ni Hariette. Kung hindi lang talaga siya mukhang suplada eh baka kinaibigan ko na siya. Kaso wala eh, rich kid kasi at naimpluwensyahan na ng kanyang squad.
"Tawag ka ni Ma'am" pataray niyang sabi. Inangat ko ang ulo ko at halos lahat pala sila nakatingin sakin. Tinitigan ko si Ma'am Sta. Ana na sobrang inis na inis na yata. Ramdam ko ang masamang aura niya huhu.
"Ako po ba?" Tinuro ko pa ang sarili ko nun. Napahawak si Ma'am sa sentido niya.
"Get out!"
Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya, gayundin ang mga kaklase ko. Ang malas ko naman ngayon!!!!!!!! Nangingilid na ang mga luha ko nung mga oras na yun.
Tumayo ako at kinuha na ang bag ko. Malapit na rin naman magtime. Tatambay nalang muna ako sa oval.
Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari.
"Ouch!" Napapangiwi nalang ako sa sakit ng braso ko na tumama sa upuan! Tangina! Pinatid ako ni Anabelle!
Nagsitawanan naman silang lahat. I managed to stand ang slap her in her face. Gumanti din siya.
"Ano bang problema mo sakin Anabelle ha? Pati kayo!" Tinuro ko ang squad nila. "Sumusobra na kayo ha! Inaano ba kayo? Nananahimik ako dito tapos dadagdag pa kayo sa mga problema ko! Nakakatuwa bang mambully ng kapwa niyo isko? 'Yan ba ang natutunan niyo dito sa UP?!" Tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. I've had enough of their bullshits. Malas nila dahil bangag na nga ako, masakit pa ulo ko! Tama lang naman sigurong lumaban diba? Ang sakit na kasi sa dibdib.
Bago pa ako makapagmura sa harap nila at sa harap ng prof, nagwalk out na ako. I made sure na mapalakas ang pagsara ko ng pinto. Di bale ng gumastos ako basta makalipat lang ako ng class. Bwisit talaga!
"Hey Amber, wait!" Napakagat ako sa labi.
"Ano bang kailangan mo ha, khen? Bakit ka sumunod?!"
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko siya. "I'm here to help"
I rolled my eyes. Naku kahit crush na crush ko siya hindi ko makakalimutan ang ginawa ng nga kasama niya sakin. Sa totoo lang naiinis na rin ako sa kanya. Hindi man lang kasi niya pinigilan yung mga yun! Asshole!
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...
