Prayer

8K 106 1
                                        

ANDERSON'S POV

Wala pa ring malay si Amber. 6 hours na ang nakalipas pero unstable pa rin ang lagay nya. Fvck! Kasalanan ko 'to eh. Kung sana pinigilan ko ang sarili ko na suntukin yung Jared na 'yon edi sana hindi nadamay si Amber.

"May namuong dugo sa ulo ni Amber or in other words blood clot kaya hanggang ngayon under observation pa sya. May konting fracture din sa skull nya kaya unconscious pa rin ang pasyente. We'll be doing our best para maisaayos yung fracture na 'yun. Please excuse me for awhile"

'Yan yung sinabi ng doktor sa amin. Shit! Napalakas yata yung tulak ko sa kanya. Galit na galit ako sa sarili ko. Kahit anong suntok ko sa pader, di ko pa rin magawang kumalma.

Si ate Marissa naman ay panay ang iyak. Kanina pa sya pinapatahan ni kuya Albert pero patuloy lang ito sa pagngawa. Sinabi ko na sa kanila ang nangyari. Galit na galit din si ate. Fvck talaga! Sana ako nalang yung nasa kalagayan ni Amber. Sana di ko nalang inuna yung galit ko. Napakaselfish ko!

"Nak, maupo ka muna. Aba'y walang mangyayari kung pagsusuntukin mo yang pader. Alam naming aksidente lang 'yung nangyari. Kumalma ka"

Pero di ako nakinig kay mama. Mas lalo ko pang pinagsusuntok yung pader hanggang sa magdugo ang mga kamao ko.

"Ma, ako ang may kasalanan eh. K-kung sana pinabayaan ko nalang si Amber na magsaya kasama nung putanginang Jared na yun... *sniff* hindi sana mangyayari 'to"

Isang mahigpit na yakap lang ang naisagot ni mama. Kumalma na ako.

Naupo na lang ako sa waiting area sa labas ng kwarto ni Amber. Lahat kami tahimik, walang nagsasalita. Walang may gustong bumasag ng nakakabinging katahimikan. Paminsan minsa'y tulala lang ako. Iiyak. Sisinghot. Yuyuko at magdadasal. Gusto ko nang gumising si Amber. Hindi ko maatim na may nahihirapang iba dahil sa katangahan ko.

Tatlong oras ang lumipas, bumalik na ulit yung doktor.

"Nag-stable na po ang lagay ng pasyente ngayon. Yun nga lang, 'di pa namin sure kung kailan sya magigising. Base kasi sa examination namin sa ulo nya, mukhang malakas ang pagkakaumpog nito at nag-cause ng malaking damage. We expect na magkakaroon sya ng amnesia. Temporary lang naman. I'm sorry. But that's all we can do for now"

Umalis na ulit yung doktor. Mas lalo akong nagalit sa sarili ko. Si ate naman, muli na namang humagulgol sa pag-iyak. Magkakaroon ng amnesia? Putangina. Ibang usapan na yun! Gago ka talaga, Anderson! Sarili mong pamangkin pinahamak mo! Puta talaga.

Tila may sariling utak ang mga paa ko at di ko na namalayan na nandito na pala ako sa loob ng isang maliit ng chapel sa loob ng ospital. Alam kong matutulungan ako ng nasa itaas. Sana... sana..

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon