Birthday Surprise

5.7K 95 0
                                    

AMBER'S POV

Saturday. Ngayon ang birthday ni Mama. Syempre kunwari nakalimutan namin.

"Good morning, Amber" bati ni mama.

"Good morning din po, Ma" bakas sa mukha ni Mama ang lungkot. Hihihi sorry Ma, mamaya ka na namin pasasayahin.

"Sure kayo na wala kayong nakalimutan ngayon? Something special?"

"Ay ako ate meron akong nakalimutan na special!" sabat ni tito.

Patay! Sabi ko suprise dapat. Sumenyas ako sa kanya na itikom nya ang bibig nya. Binigyan nya lang ako ng thumbs up.

"Ate di ba ngayon yung 48th anniversary nina Mama at Papa? Special na special ang araw na 'to!! wooh!"

Tinignan ko yung facial expression ni Mama. Halatang disappointed sya.

"O-oo nga! Kailangan nating magcelebrate. Diba? he he he"

Pumunta na sya sa kusina para magluto ng almusal.

Tawa naman ako ng tawa pagkaalis ni mama. Grabe paiyak na sya eh. Syempre hinding-hindi namin makakalimutan ang birthday nya.

FAST FORWARD.

Kanina pa umalis si Mama papuntang palengke kasama si Lola at si Papa. Sinabi na rin pala namin sa kanila yung plano. Kaya pumayag silang sakyan yung suprise namin kay Mama.

Inayos na namin yung mga tables and chairs sa likod ng bahay. Nagsindi ako ng maraming scented candles sa paligid. Si tito naman naglagay ng petals sa lupa para daw medyo romantic ang dating.

Sunod ko namang nilagay sa malaking table lahat ng inihanda naming pagkain at ang malaking cake na ipinasadya pa namin.

Nang settled na lahat, pinatay na namin ang ilaw sa buong bahay. Maya-maya pa, narinig na namin ang engine ng sasakyan ni Papa. Sumilip kami para masigurado na nakablindfold si Mama and yes she is! Inalalayan na namin sya papunta sa likod ng bahay at pagdating namin doon, kinantahan namin sya ng "Glowing inside". Tinanggal ko na yung blindfold para makita na nya yung surprise namin.

"Surprise"  sabi naming lahat.

Naiyak si Mama pagkakita sa inihanda namin. Hindi nya siguro inaasahan na maaalala namin ang birthday nya hahaha

"Happy birthday!"

"Wow. Sobra akong natuwa sa surprise nyo na 'to. Akala ko talaga nakalimutan na ninyong lahat eh"

"Alam mo ba ate, si Amber ang may pakana ng lahat ng 'to. Mahal na mahal ka talaga ng anak mo"

"Thank you Amber, anak!" niyakap ako ng mahigpit ni Mama.

"Ma naman eh! Tara kain na po tayo. Masasarap lahat ng pagkain na inihanda namin hihi"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon