Kabanata 19

169 16 1
                                    





Jai’s POV









Kakagaling lang namin sa opisina ni Master Yves dahil may ibilin siya sa amin bago kami magtutungo sa Kaharian ng Silangang Serentos. Mapapaaga daw ang pagtungo namin doon dahil imbes na sa gabi ng Linggo kami aalis, sa madaling araw na lang daw.

“Nakahanda na ba ang mga gamit mo?” tanong ni Philip paglabas namin sa opisina ng Ama niya.

Napatango na lang ako bilang tugon.

Halos buong araw na kami dito sa bahay nila Philip dahil sa kay raming nagawa namin dito bukod sa mga bilin ni Master Yves sa amin. Naalala niya kasi niya yung nangyari sa amin ni Philip noong nakaraan kung saan nakasalubong namin yung mga estudyante galing sa Hilaga.

Kaya napasabak kami bigla sa isang pagsasanay kasama si Master Yves.

Sinanay naman daw si Philip sa pakikipaglaban ngunit dahil halos buong buhay na siyang nakakulong dito ay hindi niya magawang makipagbakbakan sa ibang tao. Parang nakakalimutan niya yata lahat ng pinag-aralan niya dito kahit na napakatalas ng memorya niya.

Sa buong buhay ko naman ay ngayon ko lang nakita kung gaano kabihasa si Master Yves sa pakikibakbakan at mayroon siyang kakaibang estilo sa bawat galaw na binibinitawan niya. Gayon din si Philip na kuhang-kuha ang bawat galaw ni Master Yves na itinuro sa amin. Sobra akong namangha sa mag-ama.

Medyo masakit nga ang katawan ko pagkatapos no’n pero buti na lang nabawi namin ang lakas namin sa pagkaing inihanda ni Master para sa pananghalian namin. Hindi naman daw kami mabahala sa mga klase namin dahil inihabilin na niya sa mga Guro namin ang pagtawag niya sa aming dalawa.

Pagsapit ng hapon naman ay nakatanggap si Master Yves ng sulat galing sa Kaharian ng Silangang Serentos. Galing daw yun kay Insan at ang sabi, mapapaaga daw ang pagsundo sa amin dahil may paparating na bagyo na siyang dadaan sa Kaharian pagsapit ng gabi. Kaya ayun, nagbago ang plano at do’n napahaba ang usapan namin sa opisina.

Pagkatapos ay umalis na kami sa bahay. Naalala ko kasing may Duelo ngayon at balak ko sanang yayain si Philip na manood dahil akala ko ay hindi pa ata siya nakanood doon sa Arena. Ang sabi naman niya, nakapanood na daw siya noon pero isang beses lang dahil pinagalitan siya ni Master Yves no’ng nalaman niyang nakapasok siya sa Arena kung saan napakaraming tao ang naroroon.

Medyo huli na kami kaya nagmadali na kami papunta doon.

“Dalian mo, Jai! Nagsimula na yung Duelo!” sabi bigla ni Philip at inunahan ako sa pagpasok doon sa Arena.

“Sandali!” sigaw ko pero parang hindi niya ako narinig.

Sumalubong naman sa akin ang malakas na hiyawan ng mga estudyante na muntikan kong ikabingi. Umakyat na ako sa hagdanan patungo sa itaas kung saan nakaupo ang lahat ng estudyante. Hindi ko na rin alam kung saang direksyon nagtungo si Philip pero alam kung uupo ‘yon kasama yung mga kaklase namin.

Dinaanan ko muna ang Pangkat-Timog na sobrang lakas ng hiyawan dahil mukhang may pambato sila sa Duelo ngayon. Muntikan na akong matisod habang nagmamadaling dumaan sa harap nila pero buti na lang ay nakahawak ako sa rehas.

Pagkarating sa Pangkat-Silangan ay sinubukan kong hanapin si Philip. Bahagya ko munang tinakpan ang tainga ko habang ginala ko ang aking tingin sa Pangkat namin. Hindi ko siya mahanap, pati rin si Leia at ang kambal. Wala ring espasyo para upuan kaya pumunta na lang ako sa pinakaitaas na bahagi ng upuan nang may nasagi ng tingin ko.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon