Kabanata 58

100 8 0
                                    





Jai's POV










Ilang karatig-bayan at kagubatan ang nadaanan ng sinasakyan naming karwahe. Tila hindi ata nakakaramdam ng pagod si Manong na nagmamaneho ng karwahe, pati ang kabayo na humihila sa karwahe mismo. Dumidilim na ang paligid, hudyat na mababalutan na sa dilim ang kagubatan paglubog ng araw.

Kanina pa natutulog si Raphael sa tabi ko, habang wala pa ring malay ang matanda na pinatulog namin kanina. Nag-aalala ako, baka natuluyan namin siya dahil sa ginawa namin. Pero, hindi naman namin kasalanan kung nauntog siya at nawalan ng malay. Nagkataon lang talaga.

Bigla namang gumalaw ang matanda at bumangon mula sa sahig. Napalingon siya sa amin saka inilayo ang sarili at nagmukmok sa gilid na parang bang natatakot siya sa presensya namin. Wala naman siyang imik hanggang sa nagising na rin ang katabi ko.

"Sa'n na ba tayo?" agad na tanong niya nang siya'y nagising.

"Papunta na ata tayo sa Katimogan."

Katahimikan lamang ang namagitan sa aming dalawa at sa kasama naming matanda. Umaasa kaming makaabot kami sa Palasyo sa lalong madaling panahon. Nangangamba ako sa maaari kong madatnan sa Palasyo gayong umalis pa ako ng walang paalam.

"Gusto mo bang matulog? Umidlip ka muna," aya ni Raphael.

"Sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko, makakatulog pa ba ako?"

Tinahan naman niya ako. Buti naman, hindi ako iniinis ngayon ni Raphael tulad noong nagawian niya sa Academia. "Wag kang mag-alala, andito naman kami para matulungan ka at si Xandrus. Maibabalik din natin ang lahat sa dati."

Bigla namang tumawa ang kasama naming matanda at nagsalita. "Akala niyo lang. Akala niyo lang, dahil paparating na ang tunay na delubyo na siyang tatapos sa sangkatauhan."

Nanindig ang balahibo ko sa narinig ko mula sa matanda. Tila nag-iba ata ng katauhan ang matanda matapos mauntog kanina at ngayon, mas naging katakot-katakot siya sa tono ng pananalita niya. "Paparating na. Paparating na sila."

Biglang huminto ang karwahe sa gitna ng madilim na kagubatan. Pinakaramdaman namin ang paligid habang inaabang namin ang susunod na sasabihin ng matanda hanggang sa biglang umilaw ang kwintas ko. Nagulat kami sa pagkislap nito ngunit huli na upang itago ko pa ito nang makita rin ito ng matanda. "Mga Sakkaib!"

Sa hindi namin inaasahan, isang malakas na pwersa ang nagpatumba sa karwahe namin, dahilan upang tumilapon kami sa lupa. Halos nasira ang sinasakyan namin na karwahe at rinig ko pa ang hiyaw ng kabayo sa takot. Napadaing lamang ako habang unti-unti bumabango mula sa lupa at agad na hinanap si Raphael. "R-Raphael," tawag ko ngunit kita ko na lang na may lumapit sa akin at tila pamilyar ang kasuotan nito.

"Aakalain mo naman, magkikita pa tayo, munting Sakkaib," kuda niya at saka ko naalala ang boses niya, siya ang babae sa grupo ng mga Siquestro na dumukot sa akin.

"Hayop ka."

"Subukan mo lang gamitin ang kapangyarihan mo, o pupugutan ng ulo ang kasama mo" banta niya saka ako lumingon sa gawi ni Raphael na hawak ng isang Siquestro at may tinututok na patalim sa leeg niya.

"Hindi ko aakalain na ang ipapadala pala ng matanda sa amin dito ang isang Sadhaka na dinukot namin noon. Masaya ka bang makita kami?" ngisi niya na ikinainis ko lamang.

"Walang sinuman ang masisiyahan sa presenya niyo, mga hangal! Bitiwan nyo siya!"

Isang sipa ang dumapo sa pisngi ko na siyang nagpadapa ulit sa akin sa lupa. Sobrang sakit sa panga ang ginawa niya at napadura na lang ako ng dugo sa lupa. "Jai!" tawag pa sa akin ni Raphael.

Tila nakaramdam ako ng enerhiya ng Majika na bumalot kay Raphael at nakita ko na lamang na tumilapon sa puno ang humawak sa kanya kanina. Hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon upang maghiganti sa babaeng sumipa sa akin kaya agad akong bumangon upang kaharapin siya.

Dumaloy sa mga braso ang pamilyar ang mainit na enerhiya hanggang sa umabot ito sa mga palad ko saka ito nagliyab.

"Sa wakas," sabi niya habang nagpaikot-ikot kami at nag-aantay na sumugod ang isa sa aming dalawa, "natagpuan ko na ang tagahawak ng Kwintas ng Ave Fenix."

"Akala ko ba'y pagbebenta ng mga bata ang pinagkakaabalahan ng grupo niyo? Ba't nagkainteres ka bigla sa kwintas ko?"

"Ano naman ang pakialam mo kung magkakainteres ako sa kwintas mo?"

"Kahit magkainteres ka man, hinding-hindi ito mapapasa'yo, hangal," usal ko at bigla siyang sumugod sa akin upang umatake.

Sobrang bilis ng sunod-sunod niyang tangka upang matamaan ako ng kamao at paa niya ngunit nagawa kong iwasan yon hanggang sa nahawakan ko ang kamay niya sa dumaing. Nagawa ko siyang pasuin gamit ang nagliliyab kong mga palad.

Nang siya'y pansamantalang umatras ay agad akong nag-ipon ng lakas upang makapaglabas ng apoy at tangkang sunugin siya ng buhay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa mga batang nakasama kong dinukot nila, kung paano sila nanigas at naging bato dahil sa kanya.

"MAMATAY KA NA!"

Sumisigaw na siya sa sakit at hapdi habang nagliliyab ang katawan niya. Tila nawawalan na ako ng kontrol sa sarili ko hanggang sa may humila sa akin at hinawakan ang dalawa kong pisngi saka inilapat ang labi niya sa akin. Parang akong nabihag sa ginawa niya na siyang kumalma sa akin upang bawiin ang mga apoy mula sa kamay ko.

Muli niyang iginalaw ang kanyang labi na siyang binigyan ko ng tugon, na parang bang matagal ko nang inantay ang halik niya sa labi ko.

"Xandrus?" rinig kong tawag ni Raphael kaya napapikit ako upang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon.

Tila namumuno ang pangungulila ulit ko sa kanya hanggang sa pagmulat ko, ibang tao ang nasa harap ko. Isang nakamanto at nakatakip na mata ang nasa harap ko na siyang humalik pala sa akin at paglingon ko sa gilid, isang pamilyar na bulto ang nakita kong nakatanaw sa aming dalawa na tila nagulat sa aming ginawa.

"Jai?"

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon