Jai's POV
Kinabukasan, naalimpungatan ako at nagising sa silid ko. Dinidilaan pala ako ni Ryubi sa aking pisngi. Napabangon ako sa kamang hinihigaan ko. Kung andito si Ryubi. kung gano'n, hindi pala panaginip ang nangyari bago ako nahimatay. Totoo pala ang lahat.
"Meow!"
Nasa gilid ko naman ang isang lalaking nakatulog ngunit nang siya'y ginising rin ni Ryubi ay nakilala ko siya. Si Haring Leo. "Kamahalan—" naputol ang sinabi ko nang bigla niya akong niyakap.
"Mabuti't nagising ka. Sobrang nag-alala ako sa'yo."
Bumitaw naman siya sa yakap namin. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Nakakaramdam pa rin ako ng pagod, ngunit wala naman akong nararamdaman bukod pa rito," aking tugon.
"Ang mga Siquestro?" tanong ko naman nang masagi sa isip ko ang nangyari.
"Hindi na sila bumalik pa rito, ngunit nangangamba pa rin kami sa kanilang susunod na hakbang."
"Sina Xandrus?"
Umiling lamang siya. "Hindi pa sila nakakabalik. Nawa'y nagawa nila ang kanilang misyon."
Bumabalik naman sa isipan ko ang harapan namin ni Eirob. Napakalakas rin niya, ngunit sa tingin ko ay hindi pa niya lubusang kilala ang kanyang kapangyarihan. "Tungkol nga pala sa kapangyarihan ng kapatid ko, ano ang hawak niyang Alahas?"
"Hawak niya ang Kwintas ng Agua Dragua. Hindi ahas ang nasaksihan natin kahapon. Kung hindi ang maalamat na Dragon," sagot niya.
May punto nga siya. Hindi Serpiente kundi ibang nilalang iyon. Isang maalamat na nilalang ang mga Dragon, at base sa mga nasaksihan namin ay magkatulad nga sa Dragon ang binuo ni Eirob. Pabor lamang sa kanya ang lahat kahapon dahil sa bagyo, ngunit nagawa ko pa rin siyang patumbahin sa kabila ng panahon.
Ngayong napasakamay sila ng mga Siquestro, binigyan niya ang kanilang panig ng pagkakataon na maghasik ng kasamaan sa lupain ng Titania.
"Kung hindi ko lang siya iniwan sa Kaharian ng Vanhua, hindi sana siya papanig sa kanila," nasambit ko habang iniisip ang mga pangyayari.
Napakuyom na lang ako ng kamao. "Kailangan na nating kumilos at hanapin ang mga natitirang Alahas kung ayaw nating mapasakamay ng kasamaan ang lupain ng Titania."
"Hinahanap na nila Xandrus ang isang alahas sa Faran habang ang iba naman ay nasa Indusia," paalala niya sa akin.
Pagtayo ko mula sa higaan ay bigla akong nahilo at kumirot ang sentido ko. Iba't ibang imahe ang nakita ko sa aking isipan hanggang sa may nakita akong lugar na minsan kong napuntahan—hindi ko napuntahan. Kung saan ako napadpad bigla.
Noong nahulog ako sa isang butas at napadpad sa isang tagong kweba. Yung liwanag.
Isang kataka-takang liwanag sa dulo ng kweba.
Bumalik ang aking ulirat at hinarap ako ni Haring Leo. "Alam ko na kung saan makikita ang isa sa mga Alahas."
"Ngunit Jai, nasabi ko na sa iyo. Yung isa hinanap na nila sa Faran habang yung isa naman ay nasa Indusia."
"Nakakatiyak ka ba na nasa mga lugar pa ang mga Alahas? Posibleng oo, posibleng hindi. Puntahan natin ang lahat ng lugar bukod pa sa Indusia at Faran para makuha natin ang mga Alahas."
"Saan naman sa tingin mo makikita ang isa sa mga Alahas?"
"Sa Kanlurang Tareen."
Naghanda ako sa aming paglalakbay sa Tareen. Medyo natatandaan ko pa ang lugar kung matatagpuan ang butas na iyon.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...