Jai's POV
Nang nakalapit na ako kay Khalios sa kabila ng panghihina ko ay bigla namang may lumiwanag sa kabilang banda ng Palasyo. Parang nakakabulag ang sinag ng liwanag kaya't napapikit ako.
Sa paghupa nito ay may natanaw akong nakatayo at nakatalikod. Sa tabi niya ay may taong nakahandusay lamang at wala nang buhay na nakilala kong si Ranse.
Humarap naman ito sa aming gawi at laking gulat ko nang makita ang kanyang itsura. Hindi ko halos mailarawan dahil tuluyan itong nag-iba.
Apat na mata. Kay laki ng bungisngis. At kapansin-pansin ang mga ugat niya sa leeg. Nakakatakot na siyang pagmasdan.
Saka ko lang napansin ang dalawang dyamante sa kanyang dibdib. Hindi maaari. Suot niya ang dalawang banal na Alahas.
"Andyan ka pa pala, kapatid," sabi niya at mas nakakatakot na rin ang boses niya na para bang sinapian siya ng sampung demonyo.
Ginising ko naman si Khalios na agad na bumangon. "Khalios, maghanda ka dahil isang halimaw ang haharapin natin."
Sinugod niya kami at nagkahiwalay kami ni Khalios sa paglundag palayo nang balak niya kaming tamaan ng pwersa.
Nagpakawala ako ng apoy ngunit agad niya itong nasangga gamit ang kapangyarihan ng tubig. Nagpakawala rin ng mga malalaking bato si Khalios ngunit sinangga niya ito gamit ang pwersa ng hangin.
Humugot ako ng lakas ngunit hindi ko nagawang pantayan pa ang pwersang pinakawalan niya kaya lumutang agad ako sa ere.
Ibinuhos ko na ang lahat ng lakas na natitira ko, pero andyan pa si Eirob, nakatayo pa rin at wala pa rin planong sumuko. Parang siyang halimaw kung pagmasdan, gayong halos kinain na siya ng sarili niyang kapangyarihan at ng kapangyarihan ng Aire Quimera.
Kita ko rin halos napapagod na si Khalios. Hindi pa siya sanay sa kapangyarihan ng Tierra Tortuga. “Khalios, kung hindi mo na kaya, ako na bahala dito,” sabi ko sa kanya ngunit umiling lamang siya.
“Hindi ako papayag na hahayaan ka lang mag-isang patumbahin ang halimaw na ‘yan.”
Nagliwanag ang mga mata niya at iniangat ang mga kamay, at kasabay ng iyon ay ang pagbangon ng mga higanteng bato mula sa lupa. Isa-isa kong pinaliyab ang mga higanteng gawa ni Khalios at ngayo’y mas nakakatakot na ang mga itong pagmasdan.
“Akala nyo ba ay matutumba na ako ng pesteng gawa niyo? Minamaliit pa rin nyo ang kakayahan ko, mga hangal!” sigaw ni Eirob at kumilos ulit upang atakihin kami.
Nagpakawala siya ng pwersa na nagpabiyak sa mga higante at tumilapon lamang ang mga Golem ni Khalios.
Nakakaramdam na ako ng panghihina ng katawan. Kailangan maagaw na namin mula sa kanya ang mga Alahas, pero pagod na pagod na ako.
Sa hindi namin inaasahan, may lumundag mula sa likod namin at sinalubong si Eirob. Nakabaluti ito at may hawak na espada at panangga. Walang takot niyang hinarap si Eirob nang nagpakawala ito ng mga patak ng tubig na panigudong nakakasugat kapag dumaplis sa balat.
May sumulpot pa sa tabi namin na nakabaluti rin. "Ayos lang ba kayo?"
Sa boses pa lang niya ay agad ko siyang nakilala. "Xandrus?"
"Wala nang oras, Jai. Kailangan nating mapaslang ang kapatid sa lalong madaling panahon."
"Bakit?"
"Kung hahayaan natin siya sa ganyang anyo, mas lalo siyang lalakas kapag tumagal at hindi na natin siya magawang pigilan pa. Kailangan rin natin maagaw at masira ang mga Alahas," sabi niya.
"Pati sa'yo."
Hindi ko agad maiproseso ang lahat na sinabi ni Xandrus ngunit kumilos kami. Kailangan raw naming mapaslang si Eirob at makuha ang mga Alahas mula sa kanya.
Agad na tumakbo si Xandrus at lumundag sa likuran ng naunang sumugod kay Eirob. Nagpakawala muli ako ng apoy papunta kay Eirob upang maagaw ko ang atensyon niya, gayundin ang ginawa ni Khalios ngunit sa isang kumpas ng kamay ni Eirob ay isang malakas na pwersa ng hangin ang nagpatilapon sa aming lahat.
"KILOS!" sigaw ni Xandrus at agad kaming bumawi ng lakas.
Lumapit ako ng Khalios. "Bumuo ka ulit ng mga higanteng bato! Paliliyabin ko sila!"
Agad siyang nag-angat ng kamay at bumangon mula sa lupa ang mga higanteng lupa. Isa-isa kong pinaliyab ang mga Golem tulad kanina. Humugot naman ako ng natitira kong lakas.
"Jai, 'wag ka nang magpalit pa ng anyo. Mamatay ka lang nyan!" sigaw ni Xandrus.
Sinubukan kong magpalit ng anyo tulad ng ginawa ko sa Isla Hordeo ngunit tila nahihirapan na ako at may parang pumipigil sa akin hanggang sa napansin kong kumikislap na ang Kwintas ko.
Isinawalang bahala ko muna ang pagkislap ng iyon at nagpatuloy munang atakihin si Eirob. Nakita kong may pumuluput na malaking kamay na gawa sa lupa ang humawak kay Eirob at binubugbog na siya ng mga Golem. Nang siya ay nagpumiglas at sinira ang lupang kamay na nakahawak sa kanya ay ako naman ang umatake.
Nagpakawala ako ng apoy na bumulusok kay Eirob.
"Ngayon na!"
Nang itinigil ko ang paglabas ng apoy ay lumundag naman si Xandrus papunta kay Eirob at itinutok ang espadang hawak niya.
Tumama ang dulo ng espada sa dibdib ni Eirob kung saan nakabitay ang dalawang dyamante.
"Xandrus, umalis ka na!" sigaw ng isang nakabaluti sa kanya.
"Hindi pa nasisira!"
Nagpakawala ng kulay puti at asul na liwanag ang mga Alahas at tanging pagsigaw ni Eirob ang narinig namin kasabay ng iyon.
Nang kumawala ang mga nakakasilaw na liwanag ay gumawa iyon ng pagsabog at naramdaman ko na lang na may tumalak sa akin upang dumapa sa sahig.
Kasunod noon ay nagkaroon ng isang pwersa na humihigop sa amin papunta roon. Ginamit naman ni Khalios ang kanyang kapangyarihan upang hindi kami mahila papunta sa pwersa. Hinihinila niya ang batong sinandal namin.
Pinagmasdan ko na lang ang Palasyo na unti-unting gumuho at hinigop na rin ng pwersa sa sobrang lakas nito.
Hindi nagtagal ay nawala ang pwersa at napadapa na lamang kami sa lupa, hingal na hingal. Saka ko lang nakilala ang nakabaluting kasama namin. "Lino—"
Agad akong bumangon at tinungo ang huling lugar kung saan ko natanaw si Eirob.
Ngunit, wala na akong nakitang iba bukod sa nagkalat na bakal at semento.
Pati si Xandrus, wala rin.
Paulit-ulit kong sumigaw at tinatawag ang pangalan ni Xandrus. Nilibot ko ang lugar ngunit wala ako makitang kahit kanino na natabunan sa gumuhong Palasyo.
Bumagsak na lamang ako sa lupa.
Muli kong isinigaw ang kanyang pangalan ng kay lakas upang marinig niya ang boses ko. Kasabay ng iyon ay ang pagbuhos ng luha ko. Parang akong sinakluban ng langit at lupa. Maaaring mali lamang ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasíaBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...