Jai's POV
Nangangawit na ang mga braso't kamay ko kakasagwan namin. Hindi ko alam kung kailangan kami magkakapagpahinga, basta't ang tanging alam ko ay napakasalbahes ng mga pirata.
Isang oras na yata ang nakalipas simula noong lumayag ang sinasakyan naming barko.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano ako makatakas sa gitna ng karagatan, lalo pa't may nalaman ako sa kapitan ng barko na siyang kinakatakutan ng mga taong kasama ko dito sa baba. Hindi ko pa siyang nakikita simula kanina, at hindi niya kami binisita.
"Balak mo bang tumakas?" tanong ni Miguel, yung katabi ko.
"Halata naman siguro, 'di ba? Kanina pa nangangawit ang mga kamay ko. Nakakabwesit na," sabi ko na lang.
"Malayo-layo pa ang lalakbayin natin. Kung makakarating tayo sa isla, saka ka lamang magkakaroon ng pagkakataong tumakas. Yan ay kung makakalusot ka rin ng buhay mula sa kapitan."
May punto siya. Kung tatakas ako ngayon, tanging magagawa ko lang dito ay tumalon mula sa barko at hayaang lamunin ng karagatan. Subalit, kung tatakas ako sa oras na dadaong ang barko sa isla, malaki ang tsansa na mabubuhay pa ako.
Paano naman ang mga bata?
Paano naman ang mga kasama ko dito?
Gusto ko silang iligtas lahat. Gusto ko isalba ang bawat buhay ng mga ibinihag ng mga pirata. Gusto kong ilayo ang mga bata sa mga nakamanto.
Sana marinig ng Diyos ng Titania ang panalangin ko sa Kanya.
Kung nasa akin pa rin ang kapangyarihan ng Ave Fenix, siguro sa kagubatan pa lang ay nakatakas na ako mula sa kanila.
Nag-iisa lamang ako samantalang hindi ko na mabilang ang rami ng mga kalaban namin dito. At alam kong sa oras na magtangka akong lalaban sa kanila, may madadamay na mga inonsenteng tao dito.
Siguro, eto talaga ang tadhana ko— ang maging isang pinakamahinang nilalang sa kalupaang ng Titania.
Isang patunay lamang ito na hindi ko kayang maging isang hari kung mismong pagsubok na 'to, hindi ko kayang lagpasan. Hindi pa siguradong makakabalik pa akong buhay sa Palasyo, gayong nasa bingid ng kapamahakan ang buhay ko.
"Bata," biglang tawag sa akin ng katabi ko ngunit nagtaka ako nang nakatingin na lamang siya sa akin pati yung nasa likuran niya na si Arejo.
"Ba't ganyan ang tingin niyo sa akin—"
Napansin kong nagliliwanag ang mga kamay ko. Wala naman akong ginagawa ngunit parang gustong kumawala sa mga kamay ko ang berdeng liwanag. Napabitaw ako sa patpat saka ko sinilip ang liwanag sa mga plad ko. Sa isang iglap ay nagliwanag ang paligid ko at isang imahe ang lumitaw sa isip ko.
Nasa itaas na bahagi ako ulit ako ng barko. Konti lamang ang mga nagbabantay rito. Pansin kong hindi nila ako napapansin ng sinubukan kong gumalaw mula sa kinatatayuan ko.
Hindi ko magawang makontrol ang galaw ko at kusang na lamang ako lumapit sa gilid ng barko. Dalawang mga bangka ang natagpuan ko. Gumalaw ulit ang imahe sa kabilang gilid at dalawang bangka ulit ang nakita ko.
Naging mabilis ang paggalaw ng imahe. Mula doon ay pumasok ako sa kabilang pinto at bumaba sa hagdan. Ito ang kabilang parte ng barko, at naglalakbay ako sa pasilyo na may mga pintuan.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...