Kabanata 8

233 21 0
                                    

Jai’s POV




Kakatapos lang ng huling klase namin sa umaga nang bigla akong tinawag ni Guro Val. “Oclamidos, pinapapunta ka ni Guro Markus sa kanyang opisina,” seryoso niyang sabi habang nagsisipag-alisan ang mga kaklase ko.

“Sige po, Guro Val,” tugon ko saka ako lumabas ng silid kung saan nag-aantay sa akin si Leia.

“Oh anong sabi daw ni Guro?” tanong niya.

“Pinapapunta raw ako ni Guro Markus sa kanyang opisina. ‘Di bale, sa susunod na lang ako magluluto para sa pananghalian natin. Mauna na muna ako, ha?” bilin ko kay Leia bago ako naglakad patungo sa gusali ng mga opisina.

Biglaan naman ang pagpapapunta ni Tito sa akin sa opisina. Siguro tungkol na naman kay Xandrus ang pag-uusapan namin.

Oras na ng pananghalian ngayon kaya marami akong nakasalubong na mga Guro sa loob ng gusali. Panay ang bati ko sa kanila bago ko nakarating sa opisina ni Guro. Kakatok na sana ako nang may naririnig akong mga boses sa loob ng opisina. Dumistansya na lang ako sa pintuan nang sa gano’n ay ‘di ko marinig ako ang pag-uusap.

Nakarinig naman ako ng ingay sa loob pero ngayon, ang paggalaw ng mga silya ang dulot ng ingay. Baka natapos na ang pag-uusap nila kaya inihanda ko ang sarili k—

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Guro Markus na parang nagulat sa presensya ko. Agad naman nyang isinara ang pintuan saka tumingin sa akin. “Jai, kailangan natin mag-usap,” sabi niya.

Gumawa siya agad ng isang lagusan sa harap namin at pumasok doon saka ako sumunod sa kanya. Nasa likurang bahagi kami ng field ngayon. Tahimik at walang tao.

“Tito Markus, ano po bang pag-uusapan natin?” tanong ko saka siya lumingon sa akin.

“Ginagampanan pa ba ni Xandrus ang tungkuin niya bilang isang nobyo mo?” tanong agad ni Tito.

“Opo, Tito—“

“Sabihin mo ang totoo, Jai.”

‘Di ako makapaniwala na magiging seryoso pala ang usapan namin ni Tito. Hindi ko alam kung anong nangyari kanina pero parang hindi maganda ang kutob ko.

“Ginagampanan naman po niya kaso dahil sa magkaiba kami ng pangkat at tambak ang mga gawain, minsanan na lang po kami nagkikita. May problema po ba?” tugon ko ngunit napabitaw siya ng hinga.

“Hindi ko man gustuhin pero may maghihingi sana ako ng pabor sa’yo, Jai.”

“Ay, kahit ano po ‘yan, Tito,” sabi ko ngunit sa sunod na sinabi ni Tito ay parang naguluhan ako nang saglit. Tila natulala ako sa aking kinatatayuan habang tanging huni lang ng ibon ang narinig ko pagkatapos no’n.




“Pwede bang hiwalayan mo muna  si Xandrus?”




***









Pabalik na ako sa silid ko kasama sina Raphael, Leia, at Rafaela. Sinalubong nila ako sa field pagkatapos ng pag-uusap namin ni Tito Markus.

Kahit anong mangyari, susunod ako sa usapan naming ni Tito. Para naman ito sa ikakabuti namin ni Xandrus.

“Jai, naiintindihan namin ang sitwasyon mo. Kailangan mo lang sundin muna si Guro Markus sa ngayon. Magiging maayos rin ang lahat,” sabi ni Rafaela sabay tahan sa akin. Sinabi ko kasi sa kanila ang pinag-usapan namin ni Tito na sinang-ayunan naman niyang ipapaalam ko sa kanilang tatlo.

Tumango na lang ako bilang tugon saka ako pumasok sa silid ko nang nakarating na kami sa dorm. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako at napabunong-hinanga.

Magiging maayos rin ang lahat.

Kinuha ko ang isang mahiwagang perlas sa aking bulsa saka dinurog gamit ang kamay at tila nagbago ang lugar na kinatatayuan ko. Bigay ito ni Philip para makapunta agad ako sa lungga niya—

“Teka, maling lugar ata napuntahan ko,” sabi ko nang napagtanto kong iba ang lugar ang napuntahan ko. Isang madilim na silid na tila hindi pamilyar sa akin.  Sabi ko kasi pa’no ‘to gamitin, ayan tuloy kung saan-saan na ako nakakarating.

Kukuha pa sana ako ng perlas sa bulsa ko nang may narinig akong yapak na papalapit sa akin. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko nang naaninag ko ang lumalapit.

Mas lalo akong kinabahan nang biglang kuminang ang hawak niyang patalim.

Dali-dali kong kinuha ang isang perlas sa bulsa ko ngunit pagkuha ko ay nagkalat sa sahig ang lahat ng perlas.  Nagulat ako nang nakatutok na sa akin ang patalim at handa nang isaksak sa akin kaya hinarang ko ang mga braso ko sa mukha.

Nakaramdam na lang ako ng mainit na likido na unti-unting bumaba sa braso ko. Bago pa man niya ibaon sa braso ko ang patalim ay tinapakan ko na ang isanng perlas malapit sa paa ko saka nagbago ang paligid.

“Papatayin kita!” huli kong narinig sa lugar na iyon saka tuluyang naglaho sa paningin ko.

Napansin kong nasa kwarto na ako ni Philip kaya gumaan ang pakiramdam ko ngunit bigla akong naghina at napaluhod sa sahig.

“Jai!”

Nilapitan naman ako ni Philip at inalalayan. Napansin niya ang sugat ko na nagdudugo pa.

“Anak ng Titania! Sino gumawa nito sa’yo?” natatarantang tanong niya saka nakawala ng enerhiya sa kamay niya na nakahawak sa sugat ko.

“A-ayos lang ako, Philip,” sabi ko sa kanya ngunit nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

“Sabihin mo pang maayos ka pa sa kalagayan mo ngayon at hahalikan kita jan.”

Shemay, ano bang pinagsasabi nito? Sabing maayos nga ako kasi kaya ko namang pagalingin ang sarili ko. Anong silbi ng kapangyarihan ko ngayon kung hindi ko mismo magamit sa ganitong pangyayari?

“Naririnig pa kita,” sabi pa niya at naalala kong naririnig pala niya ang isip ko, kaya tumahimik na lang ako. Psh.

Naramdaman kong wala nang mahapdi sa braso ko at saktong natapos rin siya sa pagpagaling sa akin.

“Salamat,” sabi ko at sinubukang tumayo ngunit nanghihina pa rin ang mga paa ko kaya inalalayan agad niya ako at dinala sa kama niya.

“Nanghihina ka pa rin kasi kasalukuyan pang nilalabanan ng kapangyarihan mo yung lason sa kumakalat sa katawan mo,” sabi niya saka nilapa ang hintuturo niya sa noo ko.

Nagliwanag ang mga mata niya habang nakatitig ako sa kanya. Tila lumilitaw naman ang ibang parte ng buhok niya habang binabasa pa ang isip ko.

Ilang sandali ay binitawan niya ang noo ko at tumingin sa akin.









“Wag mo nang gamitin ang perlas sa susunod.”

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon