Jai's POV
Tuluyan nang umalis si Haring Leo at iniwan sa amin ang pamamahala ng Palasyo at sa buong kaharian. Nangako siya sa akin na babalik ng ligtas at mabawi ang mga alahas na ninakaw.
Kahit ayaw ko, pilit akong pinapabalik ni Haring Leo sa Academia upang matapos ang pag-aaral ko doon. Kaya naman daw ni Pinunong Gabreil na pansamantalang bantayan ang kaharian at hindi naman ito ang unang beses na iniwan niya ang Palasyo simula noong nanungkulan siya.
Gabi na ngayon at ngayon daw ako bibiyahe pabalik sa Academia. Handa na ang mga gamit ko sa karwahe, kulang na lang ay sarili ko.
"Ginoo, naghihintay na sa baba ang karwahe na maghahatid sa inyo sa Academia," sabi ng isang kawal na sumundo sa akin sa silid.
"Ako'y susunod."
Paglabas ko ng silid ay nagtungo ako muli kung saan makilita ang malaking imahe ni Ina. Mananabik ako na makita ng mukha ni Ina gayong aalis ulit ako sa Palasyo.
"Sa muli nating pagkikita, Ina."
Sinalubong naman ako ni Pinunong Gabreil sa unang palapag. Alam kong maraming siyang ginagawa ngayon dahil wala ang Hari pero nagawa pa niya akong salubungin.
"Ipapanalangin ko ang kaligtasan nyo sa inyong paglalakbay, Ginoo," paalam niya bago ako nagpatuloy at lumabas sa Palasyo.
Naghihintay na sa akin ang karwahe na sasakyan ko pababalik ng Academia. Gusto ko mang manatili, paniguradong hinahanap-hanap na rin ako ng mga Guro at ni Master Yves.
Pinagmasdan ko muli ang Palasyo at ang mga kawal bago ako nagpasyang pumasok sa karwahe. Ilang buwan na rin naman ang natitira, makakabalik rin ako dito.
Nag-aantay na ako sa loob hanggang sa nagtaka ako kung bakit ang tagal lumipad ng karwahe. Dumungaw ako at pansin kong may lumapag na Pegaso na may sakay na tao. Nagmamadaling bumaba ang tao at agad na tinawag ang Hari.
Sinalubong ni Pinunong Gabreil ang tao at tila nagpalitan sila ng salita bago napalitan ng pangangamba ang mukha ni Pinunong Gabreil. Agad na lumapit ang pinuno sa karwahe.
"Pasensya na, Ginoo, ngunit nagkaroon daw ng kaguluhan sa Academia. Hindi ka muna namin papayagan na bumalik doon hanggang sa magiging maayos ang kalagayan doon."
Kaguluhan? Sa Academia? Naguguluhan ako sa sinabi ni Pinunong Gabreil. "Anong nangyayari po sa Academia?"
"Nasira raw ang ilang gusali dulot ng isang estudyante na hindi na nagawang pigilan ng mga Guro."
Bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi. Isang estudyante raw ang magawa ng kaguluhan at may biglang pumasok sa isip ko ngunit pilit kong huwag paniwalaan iyon.
Impossible naman kung si Xandrus, lalo na yung mga kaibigan ko.
'Di kaya si Merdelia? Bago pa kasi ako umalis ng Academia, pinagbantaan pa niya ako at mukha pa lang niya, parang maghahasik na iyon ng kadiliman sa Academia.
Sa kabila ng pagpupumilit kong umalis, pinigilan pa rin ako ni Pinunong Gabreil at pinapabalik sa silid ko para sa kaligtasan ko. Bilin raw kasi ni Haring Leo na siguraduhin ang kaligtasan ko upang hindi na ulit mangyari ang nangyari sa akin.
Nakabalik ulit ako sa silid at pilit na iidlip ang mga talukap ngunit binalot na sa pangamba at takot ang isip ko dahil sa sinabi ni Pinuno. Hindi ako magawang dalawin ng antok hangga't iniisip ko ang kalagayan ng mga taga-Academia.
Sa kay raming bagay na tumatakbo sa isip ko, napasapo na lamang ako sa aking sentido. Sumasakit na ang ulo ko.
Si Haring Leo.
Ang Academia.
Ang Palasyo.
Si Eirob.
Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Gulong-gulo na ako.
Unti-unting dumaloy ang mga luha mula sa aking mga mata— tila nag-uunahang bumaba sa aking mukha. Nagmumukmok na lamang ako sa kama sapagkat wala akong makausap gayong gabi na at tulog na ang mga tao sa Palasyo.
Napahagulgol na lamang ako. Kasabay ng pagluha ko ay ang panalangin na sana mabigyan ako ng lakas upang harapin ang mga panibagong pagsubok sa buhay ko.
Sana'y magabayan ako ng mga magulang ko gayong may kinaharap akong problema.
Kung pwede lang ulit makausap si Ina at Ama, siguro malalaman ko mula sa kanila ang dapat kong gawin ngayon.
Sa kabila ng pagmumukmok ko ay napatigil ako nang pansin kong kumislap muli ang kwintas ko.
Wala na akong kapangyarihan mula sa kwintas. Bakit kumikislap pa 'to?
Ilang saglit lang ay nawala ang pulang kislap sa kwintas. Hindi ko lubos na maiintindihan ang ibig-ipahiwatig ng kwintas ko.
Kinuha ko ang aking balabal at lumabas ng silid. Gusto ko munang magpahangin sa labas. Baka maliwanagan ng preskong hangin ang isip ko.
Nadaan ko ulit ang malaking imahe ni Ina. Akala ko, huling pagkikita na namin kanina pero naudlot lang ng pigilan ako ni Pinunong Gabreil na bumalik sa Academia.
Napakatamis ng ngiti niya sa imahe at parang bang nakatingin siya sa akin kung ako nakatayo. Sa isip ko naman ay parang may tumatawag sa aking pangalan sa tinig ni Ina.
Naalala ko no'ng unang beses kong nakita si Ina at Ama sa panaginip ko bago naganap ang digmaan dito.
Nananabik ulit ako sa kanila.
Sa pagkakatanda ko, sa Isla Paradeis sila dinala ni Guro Xandrus no'ng hinahabol sila ng mga kawal at doon rin sila pinaslang sa utos ni Reyna Valentina.
Nakapunta ako sa Isla sa tulong ni Guro Markus at doon ko nakita naman muli si Ama.
Kung muli kong balikan ngayon ang Isla, makikita ko ba ulit si Ama at Ina?
Nagtungo ako sa Silid-Aklatan ng Palasyo. Binati naman ako ng mga kawal at nagtaka kung bakit gising pa ako ngunit pinagsabihan ko na lang sila na nababagot ako.
Agad kong hinahanap ang hanay ng mga aklat kung saan makikita ang mga mapa ng Titania. Kailangan ko lamang ng mapa upang malaman ang eksaktong lokasyon ng Isla.
No'ng nagpunta kasi kami ni Guro Markus, sa lagusan kami dumaan.
Isang aklat ang hinablot ko mula sa hanayan at binuklat. Hinanap ko ang pahina na may larawan ng mapa hanggang sa nakita ako ang mapa ng Enchares.
Sa mapa, ang kalupaan ng Enchares ay kasamang isang malaking isla at mga maliit na sila. Hindi ko matukoy kung saan dito ang Isla Paradeis.
Nagbasa-basa ako ng mga nakasulat sa aklat ngunit wala akong makuhang ibang impormasyon sa lokasyon ng Isla Paradeis. Naghanap na lang ako ng ibang aklat hanggang sa may nahulog sa sahig.
Isang nakarolyong papel ang dinampot ko saka ibinuklat. Isa rin iyong mapa ngunit nakaguhit sa malaking papel at mas marami ang detalye dito kumpara sa aklat na kinuha ko kanina.
Sa mapang iyon, nalaman ko ang eksaktong lokasyon ng isla.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...