Xandrus’ POV
I just smiled here where I stood. Nasa intersection ako sa hallway at nakita kong kinuha ni Jai ang iniwan kong cookies sa tapat ng pintuan. Nakita ko pang nakangiti siya kaya nakaramdam naman ako ng saya.
Binigyan ko siya ng cookies bilang kabayaran ng ginawa niya sa akin kanina sa pagsasanay.
No’ng nakita ko siyang natumba kasama si Chonsela, nakaramdam ako ng pag-alala para sa kanya. Since that moment, I started to space out. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa sahig dahil nawalan rin ako ng balanse.
Nakaramdam ako ng pananakit sa may braso ko. That time, nakita ko ring ginagamot ni Jai yung kasama niya.
He used to heal me when I get injured.
Namimiss ko yung paggagamot niya sa akin. Kaya no’ng oras na ‘yon, hiniling ko na sana gamutin rin niya ako. Hindi ko alam kung narinig ba niya ‘yon pero lumingon na lang sa gawi ko at umiwas agad ako ng tingin.
Tiniis ko na lang ang sakit sa may braso ko at laking gulat ko nang nakita ko siyang lumapit sa akin.
He sounded cold when I heard him speaking to me again, but I realized he was concerned about me when he sat down beside me.
Siya pa rin ang kilala kong Jai.
Habang ginagamot naman niya ako, kita ko naman na nakatingin sa amin ang kambal at si Leia, pati na rin si Philip. Alam kong nagtataka rin sila sa biglaang pagtagpo namin ni Jai pero isinawalang-bahala ko muna ang posibleng iniisip nila tungkol sa amin.
Umalis na ako at bumalik sa silid ko. What matters the most, we are trying to have communication again.
He’s probably laughing at my cookies. Medyo sunog kasi ang pagka-bake ko no’n pero mayroon namang hindi.
He’s probably eating it now and drinking with milk. I taught him to pair cookies with milk when we were still in our second year. I remember that he didn’t like at first, pero kinalaunan nagustuhan rin niya. Hindi kasi nakagawian dito ang pagkain ng cookies sabay inom ng gatas.
When I reached my room, I remembered what Leia told me earlier.
Pinaalala niya sa akin ang papalapit na birthday ng Prinsesa Jainia sa darating sa susunod na mga araw. Ibig sabihin, bibisita na naman si Jai sa kaharian ng Silangang Serentos.
Tulad noong mga nakaraang taon, susunduin siya ng mga kawal ni Prinsipe Leo sa gabi.
Nalalapit na rin pala ang pag-upo niya sa kaharian niya bilang ang nakatakdang hari.
Bago pa kami sapilitang naghiwalay, parating nababanggit sa akin ni Jai ang pag-upo niya bilang hari sa kaharian. Nababahala siya sa mga posibleng mangyari kapag tatapak na siya doon upang mamuno.
Gusto ko samahan siya ngunit tanging sinusundo lamang nila ay si Jai. Sa pagkakaalam ko, pinagsabihan na ang mga Guro dito ni Master Yves tungkol sa pansamantalang pagliban ni Jai pagsapit ng paglisan niya, ngunit mahigpit na ipagsabi sa mga estudyante ang rason ng pagliban niya bukod sa aming nakakaalam.
•••
Tubig.
Pagdilat ko ay tila parang akong nahihirapang umahon sa tubig. Sinusubukan kong lumangoy paitaas ngunit patuloy pa rin ang paglubog ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/239868489-288-k75613.jpg)
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasiBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...