Jai's POV
"Break muna tayo ngayon. Bumalik kayo pagkatapos ng tatlumpung minuto," sabi ni Guro Klauver.
Umupo muna ako sa isang bakanteng upuan. Magpapahinga muna ako ng saglit sa kaka-ensayo namin sa pagpapasandata.
Gagamitan ko na sana ang kapangyarihan ko upang humupa ang pagod ko, kaso napagtanto kong mas lalo lang akong mapagod. Papalipasin ko na lang ko sa natural na paraan.
Pipikit na sana ako at magninilay kaso may lumapit sa akin na kaklase ko na galing sa pangkat na kinabibilangan ko rin.
"Uhm, Jairovski, pwede ba magtanong?" tanong ni Chonsela.
Oo, tandang-tanda ko talaga ang pangalan niya. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya na may makapal na antepara? Mas malaki nga yata ang grado ng mata niya kaysa sa akin.
"Sige," sagot ko.
"Uhm, ano nga yung 'break' na sinasabi ni Guro? 'Di ko kasi maalala yung salin no'n sa lingwaheng Titanian. Medyo mahina kasi talaga ako sa Ingles eh, pasensya na," sabi pa niya.
Hays, pagod na nga ako, pagaganahin pa 'tong utak ko sa dis oras.
"Yung salitang Ingles na 'break', maraming pwedeng ibig sabihin, pero depende kung pa'no 'to gagamitin. Sa sinabi ni Guro, ginamit niya yung salita bilang isang hudyat na titigil muna tayo nang pansamantala sa klase natin. Kuha?" paliwanag ko sa kanya.
"Ah, gano'n ba. Salamat, Jairovski!" sabi niya saka tumakbo sa kabilang parte ng himnasyo kung saan may upuan rin at umupo nang mag-isa.
"Oh, ba't lumapit sa'yo yun?" rinig kong sabi ni Leia na tumabi sa'kin.
"Nagtatanong lang. Ewan lang kung bakit sa akin pa siya lumapit eh may iba namang pwedeng mapagtanungan niya," sabi ko.
"Jai, hindi mo ba napapansin? Lagi siyang mag-isa at sa tingin ko, wala siyang kaibigan sa klase natin. Kaya, himalang lumalapit siya sa isa sa atin," sabi niya at saka ko lang napagtantong tama nga siya.
Siguro, kung hindi kami magkaklase ni Leia, naging katulad na rin ako ni Chonsela na mapag-isa pero ewan ko rin, halos lahat na ang nakakakilala sa akin dito eh.
Kahit na kilala na ako ng lahat, si Leia at ang kambal pa rin ang kaibigan ko pa rin ngayon. Ewan ko kay Xandrus, parang nakakalimutan niya yatang may kasintahan siya. Psh.
Hindi kami magkaklase ngayon ni Xandrus kaya paminsan-minsan na lang kami magkita. Siguro nga, may natitipuhan na siya sa mga kaklase niya. Kapag nagkataong tama nga ang hinala ko, babawiin ko talaga ang kapangyarihan ng Avé Fenix mula sa kanya.
"Nga pala, Leia, kamusta na pala kayo ni Raphael? Bati na ba kay--" tanong ko sana kaso nagsalita siya kaagad.
"Jai, 'wag mo nga siyang banggitin dito? Naiinis pa rin talaga ako sa kanya. Ayos ba?"
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi sa sinabi niya. Iba rin pala 'tong babae na 'to kapag mainis kay Raphael.
Naawa rin ako kay Raphael na mahigit dalawang taon nang nanliligaw kay Leia. Baka sa pagtatapos namin sa Academia, hindi pa rin sila magkakatuluyan.
Pagkatapos ng klase ay bumalik na ako sa silid ko sa dormitoryo. Magpapahinga muna ako saglit bago tutungo sa libingan malapit sa hanganan ng Pecularia at Indusia.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasíaBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...