Kabanata 73

96 7 0
                                    





Jai's POV









Nakahanda na ang lahat.

Sa ikalawang dapit-hapon, naghiwa-hiwalay na ang tatlong hinating hukbo. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko, at hinihiling kong sana magtagumpay sila sa kanilang misyon. Gayong kasama namin si Philip ay mas mapadali ang aming pagpunta sa Isla ng Vanhua.

Tinuruan niya ako sa enchanta na gagamitin natin. Nang makabisado ko ay sinimulan na namin ang enchanta. Sa pagsapit ng dilim ay sumikat ng puting buwan na naging pinagkukunan namin ng liwanag ni Philip.

Sa pagkumpas ng aming mga kamay ay ang pagdaloy ng mainit na enerhiya sa aming mga katawan at tuluyan itong kumalat sa paligid.

"Abre la puerta al otro mundo!"

Sabay naming binigkas ang mga salitang iyon na siyang pagbuo ng isang mahiwagang lagusan sa harap namin. Mula sa lagusan ay ang ihip ng hangin na nagmumula sa malawak na karagatan, at ang pwersa nito ay hinihila na kami papasok rito.

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang aking mga kaibigan. "Nawa'y gabayaan kayo ng Diyos ng Titania," bulong ko sa hangin bago ako tuluyang pumasok sa lagusan.

May agwa't ang lagusan mula sa lupa, at nang ako'y lumapag ay agad kong natapakan ang kabuhanginan. Bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin mula malaking katubigan sa harap ko. Madilim ang kalangitan at tanging paghampas ng alon lamang ang maririnig sa oras na ito.

Igininala ko ang tingin sa paligid at pansin kong walang kahit sinumang nasa lugar na ito.

Sumunod naman si Philip at ang mga kawal na kasama namin. Ibinuklat ko ang mapa mula sa mochila ko at tinignan ko kung nasaang parte kami ng isla. Nagbigay-liwanag naman si Philip sa mapa gamit ang lenteng hawak niya.

Lumapit naman sa amin ang pinuno ng pangkat ng kawal na si Pinunong Galeb. "Mga Ginoo, nasa Timog tayo ng Isla Hordeo. Wala masyadong naninirahan dito sa parte ng Isla. Nasa Kanluran naman ang kuta ng mga Siquestro," paalam niya sa amin.

"SINO KAYO!"

Isang sigaw mula sa mga kakahuyan ang umagaw agad sa amin atensyon at wala sa oras kong niliyab ang aking mga kamay.

Wala kaming makitang kahit sino sa pinanggalingan ng sigaw ngunit nararamdaman ko ang presensya nila sa likod ng mga puno. Nasa harap ko naman si Philip na siyang kumilos rin kaagad dahil narinig naming ingay. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang basahin ang lupa.

"Marami sila. Hindi ko sila maaninag dahil sa dilim ng paligid," paalam niya sa amin.

Maya-maya'y nakarinig kami ng kaluskos mula sa kakahuyan at may naaninag kaming humahakbang patungo sa amin. "Mukhang may naliligaw atang hukbo sa islang ito," sabi niya hanggang sa tuluyan siyang nagpakita sa amin.

Isang lalaking nakabihis-pirata ang nasa harap namin, hindi nakamanto. Hawak niyang isang sandata at nakangisi lamang sa akin, walang bahid ng takot ang tingin niya. Ngunit, nang masilayan ko ang kanyang mukha, unti-unti ko siyang nakilala. "Arejo?"

"Kilala mo 'ko?" sabi niya.

"Kilala mo sya?" tanong naman ni Philip.

"Di mo ba ako natatandaan? Ako yung kasama mo sa barko ng mga Pirata!" sabi ko at parang naliwanagan naman ang kanyang mukha.

"Ikaw ba yung Sakkaib?" muli niyang tanong at tumango ako bilang tugon.

Lumapit ako sa kanya at naglahad ng kamay na siyang tinanggap naman niya. "Nagkita tayo muli, bata."

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon