Jai's POV
Nakarating kami sa isang maliit na bayan dito sa Kanlurang Tareen. Sa sobrang gutom namin ang nagpasya kaming bumili ng mga makakain namin sa munting pamilihan dito. Kung ikukumpara ito sa barrio malapit sa Academia, mas maraming nakatira dito.
"Pinagtitinginan pa kami ng mga tao kanina," sabi sa 'min ni Leia.
"Siguro, ngayon lang sila nakakita ng gwapong dayuhan," sabi ni Raphael na ikinairap ko na lang dahil sa kahanginan ng sinambit niya.
Nanatili lamang kami sa tabi ng sira at abandonadong templo upang makalayo sa mga tao. Sina Leia at Raphael ang nagtungo sa bayan upang bumili ng mga pagkain at kakabalik lamang nila na dalang kay raming supot na ikinataka ko.
"Kay dami naman ata ng binili nyo. May pera pala kayong dala," sambit ko.
"Isang piraso ng barya lang nga dala namin. Pinarami lang namin gamit ang kapangyarihan ko haha," sabi niya.
Labag man iyong ginawa niya, ngunit naging paraan na iyon upang may makain kami sa kay haba ng paglalakbay namin. Ubos pa mga lakas namin dahil sa biglaang sagupaan sa gubat kagabi.
"Siya nga pala, nakarinig kami ng balita kanina sa pamilihan. May kaguluhan daw sa Serentos ngayon. Kaya, pinagbinalaan ang mga tao doon na huwag muna maglakbay doon dahil sa panganib," sabi ni Raphael kaya nangamba ako.
"Diba, bago ka nagtungo sa Academia, galing ka sa Palasyo? Wala bang masamang nangyari doon bago ka umalis?"
"Wala," iling ko. "Mas lalo ngang mahigpit ng pagbabantay doon dahil wala si Haring Leo..."
Sa huli kong sinabi ay napaisip ako bigla. Bilin sa akin ni Haring Leo na 'wag iwanan ang kaharian hangga't hindi pa siya nakakabalik.
"Philip, may nasasagap ka pa ring bang enerhiya mula kay Xandrus?" tanong sa kanya.
Bahagya siyang lumuhod at nilapat ang palad sa lupa. Nagliwanag ang kanyang mga mata ngunit ilang saglit lang iyon bago siya lumingon sa amin. "Wala pa rin, pero sigurado akong kay Xandrus ang naramdaman kong enerhiya kagabi sa gubat," sabi niya.
"Kayo na lang siguro bahala kay Xandrus. Pupunta muna ako sa Palasyo upang alamin ang nangyayari doon," wika ko ngunit pinigilan naman ako ni Philip.
"Huling paglakbay natin sa Palasyo, may nangyaring masama sa'yo. Ayaw naming mangyari ulit sa'yo yon."
"Nasa akin ulit ang kapangyarihan ng Ave Fenix. Wala na dapat kayong ipag-aalala sa akin—"
"Jai, kung mawawala ulit sa iyo ang kapangyarihan mo habang naglalakbay ka doon, malalagay ka na naman sa kapamahakan. Kakaiba ang takbo ng kapangyarihan mo, Jai. Hindi natin alam anong mangyayari sa'yo katulad kay Xandrus na ngayo'y nawawala pa rin."
Napaupo na lamang ako ulit sa lupa. Gulong-gulo na ulit ako kung alin ang uunahin ko, si Xandrus ba o ang nasa panganib na Serentos? Parang masisiraan ata ako ng bait habang pinagsasabay kong isipin ang mga kinakaharap kong problema ngayon.
"Jai, kami na lang bahala kay Xandrus," suhestyon ni Rafaela. "Kayo ni Raphael, mauna muna kayo sa Serentos."
"Pero—"
"Sasama ako kay Jai," singit ni Philip nang magsasalita sana ako.
"Philip, kailangan ka namin para madaling mahanap si Xandrus," dagdag pa ni Rafaela na nagpadismaya kay Philip.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...