Jai's POV
Nasa ikalawang palapag ng palasyo ako kasama si Philip at ang tanging panauhin sa piging na nakakakilala sa akin. Buti na lang, pinayagan kami ng mga kawal na dito lamang magpunta at hindi na lalagpas pa sa mga susunod pang mga palapag.
"Kung gano'n, isa kang Sadhaka?" agad kong tanong niya na bahagya niyang ikangisi at ikinatango.
"Isa ako sa mga nagtapos na estudyante sa Academia de Pecularia dalawang taon na ang nakalipas," sabi niya. "Ransé nga pala. Ano ang mga pangalan niyo?"
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol sa amin gayong wala dapat makaalam sa pagkakakilanlan namin. Unang pagkikita palang namin ng Sadhakang tulad niya, ni kailan man ay 'di ko siya nakita sa Academia pero may medalyon naman siya, tanda na estudyante talaga siya sa Academia.
"Mapagkakatiwalaan ka ba namin tungkol sa anumang sasabihin namin sa iyo?" tanging lumabas sa bibig ko pagkatapos makapag-isip-isip.
"Oo naman," sabi niya saka kami binigyan ng isang ngiti.
Nagpalitan pa kami ng tingin ni Philip bago ako nagpakita sa kanya ng isang medalyon at nagsalita muli upang sabihin sa kanya ang tungkol sa aming pagbisita dito.
"Tama nga ka. Isa akong estudyante mula sa Academia. Jai nga pala ang aking pangalan, nasa ikaapat na taon na," sabi ko saka ako nakipagkamay sa kanya.
"Siya naman si Philip, nasa ikaapat na taon na rin katulad ko. Narito siya upang samahan ako sa piging ngayon," pagpapakilala ko naman ni Philip sa kanya.
"Nagagalak akong makilala kayo," sabi niya.
"Maaari ko bang malaman kung ano ang pakay niyo dito?"
Mabuti't narinig ko sa wakas ang tanong na iyon na inaasahan ko mula sa kanya. Naalala ko naman ang mahigpit na bilin sa amin ni Master Yves bago kami nagtungo rito na may kinalaman sa tanong niya.
Kahit sino pa man ang makasalubong namin na magtatanong kung ano ang pakay namin dito sa Kaharian, hangga't maaari ay iiwasan naming sagutin pero kung sakaling hindi namin magawang maiwasan, iisa lang ang isasagot namin ni Philip sa tanong na iyan.
"Inimbitahan ang tagapamahala ng Academia sa piging ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya makakadalo kaya kami na lang ang pinadala dito sa Kaharian," diretso kong sagot.
Tumango ang sadhaka sa sinabi ko. "Ahh, naiintindihan ko na. Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakasalubong ng isang Academia dito sa Kaharian tuwing piging."
"Ang ibig mo bang sabihin, nakadalo ka na dito ng ilang beses?" singit ni Philip.
"Oo. May kakilala rin kasi akong naiimbitahan dito at ako ang lagi niyang kasama. Hindi rin siya makadalo dahil sa sama ng panahon kaya dumalo na lang ako nang mag-isa."
Kung gano'n, posibleng nakapunta na siya dito no'ng nakaraang taon. Ba't gano'n? Hindi ko man lang siya nakita noon gayong bisita rin siya dito tuwing piging.
"Siya nga pala, pupuntahan ko pala ang kaibigan ko sa labas ng Kaharian pagkatapos ng piging ngayong gabi. May uuwian pa ba kayo? Pwede kayong sumama sa akin," sabi niya.
Tumanggi ako. "Salamat sa pag-aya ngunit may nakareserba na kaming silid sa Palasyo. Napagdesisyunan na kasing doon muna kami pansamantalang mananatili hanggang sa araw ng pag-uwi namin."
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...