Kabanata 32

133 10 0
                                    





Jai's POV









Naalimpungatan ako nang may sumusundot sa tagiliran ko. Paggising ko ay nakita kong sinusundot pala ako ng isang nakamanto gamit ang isang patpat na nakasakay sa kabayo.

"Gising na, munting Sakkaib."

Napagtanto kong nakasakay rin ako ng kabayo ngunit ang mga braso ko naman ay nakapulupot sa nakamantong nasa harap ko. Hindi ko man makita ngunit may tali ang aking mga kamay.

Hindi ako komportable sa posisyon ko dahil parang akong nakayakap sa kung sino man ang nasa harap ko.

"'Wag subukan mong gumalaw kung ayaw mong mahulog tayo at magpagulong pababa ng nagnyenyebeng bundok," ani ng nasa harap ko na nalaman kong si Lino.

Saka ko napagtantong naglalakbay pala kami sa tuktok ng isang bulubundukin. Maganda naman ang panahon at sumisikat ang araw sa kalangitan kaya katamtamang lamig lamang ang nararamdaman ko.

Isa lang ibig sabihin nito.

Nasa lupain ng Apache kami.

Hindi ko alam kung gaano na kami na kalayo dahil nakatulog ako.

Huli kong naalala ay pinalibutan nila ako.

"Eh kung tumalon kaya ako para makatakas," bulong ko sa sarili ko.

"Kahit tumalon ka man, wala ka pa ring takas dahil nakatali ka sa akin," biglang sabi ni Lino na hindi ko alam na nakarinig pala sa sinabi ko.

"Saan niyo ba ako dadalhin ha? Ibalik niyo ako sa Palasyo!"

"Akala ko ba gusto mong ibenta ka namin?"

"Nagbago na isip ko. Gusto ko pang mabuhay," tugon ko kay Lino.

"Mabubuhay rin kami kapag binenta ka namin sa malaking halaga."

Tsk. Ibebenta talaga nila ako. Pwes, hinding-hindi ako papayag sa gusto nila at ayaw kong maging alipin sa kung saan man nila ako dadalhin.

Sinubukan kong kumawala sa tali at pilit kong binabawi ang mga kamay ko. Dahil do'n, natatamaan ko ang tyan ni Lino.

"Tumigil ka!"

"Ayaw ko!"

Pagkatapos no'n ay sinipa ko nang kay lakas ang binti ng sinasakyan naming kabayo. Napadaing ang kabayo at biglang napatayo sa ginawa ko, kaya nawalan kami ng balanse saka kami nahulog.

Napadaing naman ako sa pagkabagsak namin sa lupa ngunit nang makita kong lalapitan na kami ng mga manto ay hindi na ako nagsayang ng oras at pilit na tinutulak si Lino hanggang sa narating namin ang bangin.

"Tumigil ka na!" sabi pa ni Lino pero hindi ako nakinig.

Isang tulak pa ang ginawa ko bago kami maabutan at doon ay magsimula kaming gumulong sa pababa ng nagnyenyebeng bundok.

Nagpalitan kami ng pagdaing ni Lino sa paggulong namin at nakaramdam na ako ng hirap sa paghinga. Nakaramdam na rin ako ng sakit ng likod ko at tanging hiling ko ay mahinto na ang aming paggulong.

Halos ilang minuto kami nagpagulong-gulong hanggang sa narating namin ang paanan ng bundok.

Tila parang nawalan ako ng lakas at hinahabol ko ang sarili kong hininga ngunit walang imik ang kasama ko. Nakapatong ngayon ako sa kanya.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon