Kabanata 55

106 7 0
                                    





Xandrus' POV










Hingal na hingal kaming nakadapa sa lupa. Nasa gilid na kami ng ilog na konektado sa talon. Basang-basa ang buong katawan namin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Tumango lamang siya habang hinihingal pa rin.

Tinanaw ko ang lugar at agad kong pansin na may mga kubo sa di-kalayuan mula sa amin. Bumaling rin ang tingin ni Bela doon.

"Iyon na ba ang bayan na tinutukoy mo?"

"Siguro. Mas mabuting alamin natin."

Tumayo kami kahit sobrang basa ng mga damit namin. Naglakad kami patungo doon, umaasang may makasalubong kaming mga tao, ngunit nang nakarating kami ay wala kaming nadatnan na gumagala sa lugar.

Hiwa-hiwalay ang mga kubo at may kanya-kanyang bakod.

"Uhm, may tao ba dito?" malakas kong sabi at umalingawngaw sa lugar.

Wala namang lumabas sa mga bahay at wala rimg sumagot. Lumapit naman si Bela sa isang bahay na nakaiwang-bukas ang gate. Hindi na siyang nagdalawang-isip na pasukin iyon kaya sumunod na lamang ako sa kanya.

Katulad ng kubo ni Bela ang bahay na pinasok na namin. Tinignan namin ang loob at mukhang wala pa ring tao.

"Kumuha tayo ng maisusuot na damit," sabi niya saka kami nagtungo sa mga silid at naghanap ng damit.

Pumasok siya sa isang kwarto at ako naman ang nagtungo sa kabila. Agad akong naghanap hanggang sa nakakita ako ng isang pares ng damit at nagbihis.

Lumabas ako sa silid pagkatapos magbihis, at sumunod naman si Bela. Isang puting bestida ang kanyang isinuot at isang itim na balabal. Mas nangibabaw ang kanyang kagandahang taglay dahil sa sinuot niya.

"Ayos lang ba ang suot ko?" tanong niya.

"Ayos naman," sabi ko saka kami nagpasyang lumabas ng bahay bago pa kami ng mahuli ng sinumang may-ari nito.

Napaatras naman kami ng may narinig ulit kaming karwahe na paparating. Sinilip muna namin kung sila pa ba yung humahabol sa amin ngunit nang unti-unti itong lumapit ay iba pala ang itsura nito.

Pinara namin ang karwahe at tumigil naman ito. Isang matandang ginoo ang nagmamaneho sa karwahe na agad kong pinakausapan.

"Magandang umaga, manong. Nais lang namin maitanong kung saan kayo patungo? Hindi kasi namin kabisado ang lugar na ito," mahinahong kong tanong.

"Kayo pala'y mga dayuhan na nawawala. Mabuti't nakarating ako rito. Sumakay kayo at dadalhin ko kayo sa bayan malapit dito," aya niya kaya agad kaming sumakay sa karwahe na puno ng mga pinutol na damo.

"Sigurado ka ba dito? Baka kasabwat yan ng mga humahabol sa atin kanina," sabi niya habang pinapagpag ang mga dumidikit na damo sa damit niya.

"Magtiwala ka na lang. Kung kasabwat nga yan, edi gamitin mo kapangyarihan mo ulit."

"Inuutusan mo ba ako?"

"Hindi ah, suhestyon ko lang," sabi ko na lang at iniwasan siya ng tingin.

Habang tumatakbo ang karwahe palayo sa lugar, naalala ko naman ang pangalang tinawag ni Bela sa akin kanina. Hindi ko naman namalayang nakatitig na pala ako sa kanya nang napaisip ko ang bagay tungkol riyon.

"May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya at napailing ako bago tumugon.

"Wala, may iniisip lang."

Kung tama nga ang narinig ko kanina, Ricky yung pangalang tinawag niya sa akin. Dahil do'n, mas lumalakas na ang loob ko na siya nga si Miya.

Sa oras na iyon, naghihinala na ako kung nagkukunware lamang siyang hindi niya ako nakilala o nabura ang nemorya niya. Sa ngayon, hangga't hindi pa niya ako nilalagay sa bingid ng kamatayan, hindi ko muna siya pag-iisipan ng masama.

Pansin ko namang isang gate ang patutunguhan ng aming sinasakyang karwahe. May sumalubong din sa amin na mga karwahe katulad kay Manong.

Nang nakarating kami sa tapat ng gate, dalawang nakabalot sa baluti ang agad na lumapit sa amin. Tila kinabahan kami nang kami ay kanilang napansin.

"Ngayon pa lang namin kayo nakita rito," sabi ng isang guwardiya na nagpakaba sa amin.

Nagpalitan lamang kami ng tingin ni Bela, kung sino ang kakausap sa kanya hanggang sa nagsalita si Manong. "Mga anak ko ho sila, ngayon ko lamang silang dinala dito."

Pinagmasdan pa nila kami ng kay tagal hanggang sa nakumbinse sila sa sinabi ni Manong. Lumayo naman sila at lumipat sa kabilang karwahe, saka nagpatuloy si Manong sa pagmaneho.

Isang tunnel pa ang aming pinasok bago kami tuluyang nakarating sa bayan. Kay raming tao, sobrang ingay, at ang daming mga tindahan na nakapaligid dito.

Huminto si Manong kaya bumaba na rin kami.

"Maraming salamat po sa paghatid nyo sa amin dito, at sa pagligtas sa amin mula sa mga gwardiya," sabi ni Bela kay Manong.

"Walang anuman. Basta, parati kayong mag-iingat dahil maraming umaaligid na mga guwardiya dito sa bayan ng La Variedad," huling bilin ni Manong bago niya kami tuluyang iniwan sa gitna ng mga tao.

"La Variedad..." banggit ko ulit sa pangalan ng bayan na ito. Inalala ko ang mapa ng Titania upang malaman ko ang lokasyon ng bayan na ito hanggang sa naalala ko.

"Nasa lupain ng Katimogang Tareen pala tayo ngayon," sabi ko ngunit paglingon ko ay wala na sa tabi ko ang kasama ko.

"Bela?"

Sa dami ng nagkukumpulang tao ay hindi ko na makilala kung sino sa kanila si Bela. Halos pare-pareho rin kami ng suot na mga balabal. Napamura na lang ako saglit dahil hindi ko siya mahanap.

Kung iwan ko na lang kaya siya dito? Imbes babalik na ako sa Academia, maghahanap pa ako sa babaeng 'to.

Napabitaw na lamang ako ng hinga bago nagpasya hanapin ko muna siya saglit. Saan naman kaya magtutungo? 'Di naman 'to niya alam na lugar na 'to.

Habang nakikipagsiksikan ako sa gitna ng kay raming tao ay may bigla namang humila sa braso ko at dinala sa gilid ng daan.

"Balak mo pa talaga akong takasan ha," sabi ng humila sa akin at nakilala kong si Bela lang pala.

"Saan ka ba nagtungo ha? Tsak hindi kita tinatakasan, hinahanap kita. Gusto ko nang makabalik sa amin, tapos hihiwalay ka pa sa akin."

Nag-abot naman siya sa akin ng isang nakarolyong papel na binuklat ko. "Oh, mapa iyan. Umuwi ka na sa inyo. Alangan naman sasama ako sa iyo sa pinanggalingan mo."

Aakma na sana siyang aalis nang pinigilan ko muna siya. "Teka, sigurado ka ba dyan? Mag-isa ka lang dito. Kakayanin mo ba—"

"Kung kaya ko mang takasan ang lahat na masasamang nilalang na nagbanta sa buhay ko sa gubat ng mag-isa, kakayanin ko rin mag-isa dito sa gubat. 'Wag mo na 'kong aalahanin. Maraming salamat dahil dinala mo ako dito," sabi niya at bigla na lamang siyang naglaho sa harap ko.

Hindi ko nagawang pasalamatan siya, ngunit hiling ko lang sana na kaligtasan niya dito sa bayan.

Ngayon, saan na ako tutungo nito?

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon